Speaking of Diether Ocampo, naging laman siya ng usap-usapan sa umpukan ng entertainment press kamakailan – nasaan na nga kaya ang isa sa pinakaloyal na Kapamilya actor? Gaya ni Angelica Panganiban, huling napanood si Diet sa Apoy sa Dagat and until now wala pang balita kung ano ang next project niya sa ABS-CBN.
Hindi maiwasang hanapin si Diet ng entertainment press kasi isa siya sa may pinakamagandang PR sa bakuran ng Star Magic.
Never nakalimot si Diet sa entertainment press every birthday niya. For the past couple of years, na-miss namin siyang makasama sa kanyang birthday celebration and next month, birthday na niya ulit.
Marami ang nagwi-wish na mga manunulat na huwag sanang pabayaan ng ABS-CBN si Diet. Mukhang sila na lang talaga ni Piolo ang natitirang actor na nagsimula ang career sa Kapamilya network. At sa maraming pagkakataon na may kumukuha kay Diet to transfer sa ibang network, mas pinili pa rin niyang maging loyal sa kanyang mother studio.
Ayon sa ilang malapit na manunulat kay Diet, pabalik-balik daw sa US at Pilipinas ang aktor. Nandoon kasi ang ilang kapamilya ni Diet at meron din siyang business na inaasikaso roon. May malisyosong kwento naman kaming narinig na may nakakita raw kay Diet na kapag umaalis ng bansa, isang maleta lang ang dala. Pero pagbalik niya ng Pilipinas, hindi bababa sa limang maleta ang dala niya.
So, what’s wrong with that? E, ‘di ba nga may business doon si Diet?