Sulat mula kay Fatima, ng Malimono, Surigao del Norte
Problema:
1. Tulungan mo ako. Baka magkahiwalay kami ng asawa ko nang dahil sa text na iyan. Kalmada pa naman ang pag-uusap at pagtatalo namin pero baka magkasigawan na. Ayaw kong mauwi ito sa sigawan at marinig ng mga bata. Ipinipilit ng asawa ko na kaibigan lang niya ang babae na nagte-text sa kanya sa gabi.
2. Tinitiyempo pa naman na 30 minutes lang na kahihiga namin ay magte-text ang p..ta. Sa huling text ay nakalimutang i-delete ng asawa ko kaya nasilip ko ito habang humihilik siya. May “luv u” sa huli. Natatakot ako na baka isang araw, bigla na lang niya kaming iwanan. Ano po ba ang dapat kong gawin? Magkakahiwalay ba kami? Masisira na ba ang buhay namin? May 18, 1982 ang birthday ko at September 7, 1981 ang birthday ng mister ko.
Umaasa,
Fatima, ng Malimono, Surigao del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign ninyo ay nagsasabing sadyang tugma at compatible kayo. Kaya kahit ano pa ang mangyari, halimbawa ngang tuluyang naging “babae” ni mister ang textmate niya, wala pa ring problema, dahil sa bandang huli, nakatakda pa rin ang hamabuhay na pagsasama ninyo.
Numerology:
Halos ganon din ang ipinapahiwatig ng birth date ninyo. Ang totoo, kapag pinagsabihan mo siya ng seryoso o halimbawa ay pinamili mo siya, ikaw parin ang pipiliin niya at lagi niyang ikakatuwiran na ikaw ang mas mahal niya. Ganon yon, wala lang magawa ang mister mo kaya siya nakikipag-text mate pero ang totoo hindi nya magagawang iwanan ang inyong pamilya.
Graphology:
At para hindi tuluyang mawala sa iyo ang iyong mister, bahagyang inobasyon ng lagda ang dapat. Imbis na ipaloob sa bilog, alisin mo ang malaking bilog sa iyong lagda. Magagawa mo kung hindi mo na ibabalik pakaliwa ang dulong bahagi ng letrang “a” sa iyong pirma, sa halip, diretso lang patungong kanan. Sa ganyang lagda, magiging maligaya ka na hindi lang sa love life kundi sa lahat ng aspeto ng buhay.
Huling payo at paalala:
Fatima, ayon sa iyong kapalaran, wala kang dapat ikatakot o ikapangamba sa kasalukuyang sitwasyon, dahil sa bandang huli, lilipas din ang pakikipag-text ng iyong mister, at makikita mo, muling magiging sweet sa iyo ang iyong asawa, hanggang habambuhay na muling buo at happy ang iyong pamilya.
Nagte-text ang p..ta (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...