Matteo di na iginalang si Sarah, kung saan-saan nagyayakapan


NAKU, hindi kaya magalit na nang husto si Divine sa pagkalat ng mga photos ng anak niyang si Sarah Geronimo? Of late kasi, panay ang labas ng pictures ni Sarah with boyfriend Matteo Guidicelli.

First to come out ay ‘yung photos nila together sa birthday ni Matteo. Then, nu’ng nagpunta sila together for a sporting event na hindi nakasali si Matteo dahil may sakit.

Kasama nila noon ang royal couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. They were again spotted together during a dinner date matapos nilang manood, together with Juday and Ryan again, ng movie nina Sarah at Coco Martin.

And now came two photos posted on a website where the couple was photographed together with friends, mostly non-showbiz. Sa isang photo na nakupo sila ay ang sweet-sweet ng dalawa, yakap-yakap ni Matteo si Sarah.

With the photos ay naging maanghang ang comment ng fans ni Sarah. “Ganito rin ba si Matteo sa mga ex niya dati? Kung makayakap kay Sarah, parang trophy lang na napanalunan niya? Show off ang peg,” mataray na comment ng isang guy.

“Grabe naman ang yakap ni Matteo kay Sarah. Lagot ka kay Mommy Divine. Paano mo makukuha ang approval niya sa ganyang yakapan? Pinapost mo pa sa kaibigan mo! Tse!” say naman ng isa pang maka-Sarah.

May nagsabi pa na bakit daw pumapayag si Sarah na kunan sila ng kanyang boyfriend sa ganu’ng eksena? Baka raw ma-disillusion ang kanyang fans na bagets at isiping ang landi-landi niya?!

( Photo credit to EAS )

Read more...