Mark may hinahanting na ‘mystery girl’


Nakakaloka ang singer na si Mark Bautista dahil may babaeng gumugulo sa utak niya simula ng mapanood niya ito sa NET 25.
“Hindi ko maintindihan, kung bakit ako na-hook sa programa na ‘yun nang makita ko siya (mystery girl), parang nagkainteres ako sa kanya, maganda siya para sa akin, parang there’s something na hindi ko alam kaya hinanap ko siya sa Facebook, Twitter and Instagram.

“Wala siyang FB, wala ring Twitter, sa Instagram, naka-private siya, so in-add ko. Tapos lagi kong tsine-tsek kung in-accept na niya ako. Matagal pa bago niya ako in-accept kaya sabi ko sa sarili ko, ay wala ito, hindi niya type,” bungad na kuwento ni Mark sa presscon ng kanyang concert na “The Best of Me Concert” sa June 21, sa Crowne Plaza Ballroom.

Last week lang daw in-accept ng girl ang friend request niya. , “Actually, in-invite ko siya kung puwede ko siyang makasama sa music video ko tapos kung puwede siyang manood sa concert ko, sabi ko isama niya ang family niya, para makilala ko rin, e, hindi naman ako sinagot,” kuwento ni Mark.

Bukas abangan ang kumpletong interview namin kay Mark Bautista tungkol sa kanyang mystery girl at sa kanyang major concert.

( Photo credit to EAS )

Read more...