Bong nag-sorry dahil sa kanyang speech/video presentation

NAG-sorry si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr sa publiko na nainis sa ginawa niyang talumpati noong Lunes.

“To those who were not happy about my privilege speech, my apologies,” sabi ni Revilla sa mga reporter.

“But that song was dedicated to the 20 million people who supported me and who are continuously loving me,” paliwanag ng senador na ang pinatutungkulan ay ang awit na “Salamat Kaibigan,” na siya mismo ang kumanta sa isang music video na kanyang ipinalabas sa huling bahagi ng kanyang privilege speech.

Inulan ng batikos ang ginawang speech ni Revilla.

Ngunit pahayag ni Revilla na nauunawaan naman umano niya ang pagkadismaya ng mga netizen.

“To the netizens, I undestand you. It’s all right with me. I’m a good sport,” dagdag pa nito.

Read more...