Mas mabigat na parusa sa karnaper


ILANG  araw matapos lumabas ang balita kaugnay ng pagtaas ng bilang ng mga nakakarnap na sasakyan, umusad naman ang panukala sa Kongreso na magpapa-taw ng mas mabigat na parusa sa mga naturang krimen.

Ang motorsiklo at scooter ang pangunahing sasakyan na kinakarnap, ayon sa datos ng police highway patrol. Ang Anti-Carnapping Act ay ginawa pa noong 1972.

Batay sa isinusulong na pag-amyenda sa nasabing batas, gagawin nang 20-30 taon kulong ang parusa sa mga karnaper na hindi gagamit ng dahas sa pagkuha ng sasakyan, habang 30-40 taong kulong naman sa mga karnaper na gagamit ng karahasan.

Habambuhay na pagkabilanggo naman ang inihahain laban sa mga karanaper na nakapatay habang kinakarnap ang sasakyan.
Hindi rin magiging batayan sa pagpapababa ng parusa ang halaga ng sasakyang ninakaw.

Aalisan din ng kara-patang makapagpiyansa ang mga akusado na makapapatay sa pagnanakaw ng sasakyan. Kung maisabatas man ito, isa itong napakagandang balita para sa mga motorista.

At kahit na ang mga makikipagsabwatan sa mga karnaper, ang mga taong nagtatago ng mga ninakaw na sasakyan ay parurusahan din sa ila-lim ng panukala.

Sila ay mahaharap sa anim hanggang 12 taong pagkakakulong at pagmumultahin pa ng ka-sing halaga ng sasakyang ninakaw ng binili ito ng may-ari.

Kahit na ang mga taong kumakatay (o nagcha-chop-chop) sa mga nakaw na sasakyan ay papatawan din ng mabigat na parusa.
Kung ang sangkot naman sa krimen ay pulis, barangay tanod o nagtatrabaho sa gobyerno, siya ay aalisin sa serbisyo at aalisan din  ng karapatan na muling magtrabaho sa pamahalaan.

Habang umaatake ang mga big-time carnapping syndicate na pinapatay at sinusunog ang kanilang biktima upang maitago ang kanilang sumablay na operasyon, kalimitang hindi na lumalabas sa media ang mga ordinaryong tao na ninanakawan ng motorsiklo at scooter.

Kadalasan din na hindi na nagkakaroon ng follow-up operation sa kaso ng mga ordinar-yong tao na nananakawan ng sasakyan.
Inaalikabok na lamang sa police blotter ang kanilang mga kaso dahil hindi naman sila sikat o mayaman.

MOTORISTA
Starter
NAGTATAKA ako kung bakit di na kaya ng starter ng Raider 150 ko na mag-start ng makina, gayung bago naman ang baterya ko.  Kailan ba ang dapat magpa-tuneup?
…8821

BANDERA
KUNG bago ang baterya ng motor mo at di kayang i-start ang makina, may problema ito sa electrical system.  Kailangang tingnang mabuti ang electrical nito.  Alamin kung grounded o may putol na kawad.  Isa sa mga sanhi ng pagsiklab ng motor ay ang diperensiya sa electrical. Ipasuri rin ang baterya baka undercharge ito ay ayaw kumarga pagkatapos na ikabit sa motor mo.  Makabubuti na ang tune-up ng motor ay isabay sa change oil at paglinis ng karburador.

MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp?  I-text sa 0917-8446769

CLASSIFIEDS
MOTOR
DT 125 35k 0927-7655100
SUZ R150 50k 0927-8148887

PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.  Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang).

Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).  Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number).  Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).  VINTAGE bike (cell phone number).  PARTS (cell phone number).  INSURANCE (cell phone number).  I-text ang mga ito sa 0917-8446769

Read more...