Kanang-kamay ni Willie nag-resign, mas piniling maging Bossing sa TV5


GOOD news para sa fans ni Willie Revillame kung true ang tsika na may nagaganap nang negosasyon between him at TV executives ng isang network para sa pagbabalik niya on television.

Matagal-tagal na rin ang pinaghintay ng loyal viewers ni Willie, kaya tiyak excited na ulit silang gumiling-giling sa show ng TV host. Magandang balita rin ‘yan sa staff ni Willie na ilang buwan ding napahinga at nawalan ng trabaho.

Although may mga narinig kami na ‘yung ibang staff ni Willie na sumama sa kanya from Wowoweee to Wowowillie ay bumalik na sa ABS. Nagpaalam naman daw ang dating staff kay Willie na babalik sila sa Kapamilya network.

Dahil diyan, hindi na sila makakasama sa bagong show ni Willie pagbalik niya sa ere. Maging ang dating top man ni Willie na si Jay Montelibano ay kumalas na sa production ng TV host.

Umalis siya hindi dahil nagkaroon sila ng alitan ni Willie. Maayos daw na nagpaalam si Jay sa TV host-comedian.
Si Jay ang pinamahala ni Willie sa kanyang Wil Tower Mall dati.

Pero nagbitiw siya dahil ramdam daw ni Jay  na hindi siya ganoon ka-effective as an executive sa mga business nila but feeling daw niya mas mahusay daw siya sa marketing ang sales sa TV network.

So now, balik TV5 si Jay at nasa top seat din ng network as the new Sales and Marketing head. In fact, kasama si Jay sa mga top level ng TV5 na nakipag-meeting kay Ryan Agoncillo bilang host muli nang nagbabalik na talent show nila, ang Talentadong Pinoy.

Pinangunahan daw ang meeting with  Ryan ng TV5 President na si Noel Lorenzana, Bong Sta. Maria, Jay at Wilma Galvante.

( Photo credit to willie revillame official fanpage )

Read more...