Handa na pala si Pokwang kung sakali mang gustong makita ng anak niya ang ama niya. Sa interview ni Pokwang sa Aquino & Abunda Tonight ay sinabi niyang naka-move on na siya sa nangyari sa kanila ng kanyang dating dyowa at any time na sabihin ng daughter niyang gusto niya itong makita ay walang magiging problema sa kanya.
“Move on na ako,” say ng “My Illegal Wife” star. Okay lang daw na puntahan ng daughter niya ang ama sa Japan kung saan ito naka-base.
Naloka kami sa revelation ni Kris Aquino na ang daming nagkagustong foreigner kay Pokwang noong nasa Vancouver, Canada sila. Super dance daw ang comedian sa mga foreigners at nakunan pa ito ng picture ni Pooh habang hinahalikan ito ng isang foreigner.
“Alam mo naman ako, exotic ang beauty ko,” sabi ni Pokwang habang kinikilig.
( Photo credit to pokwang official fanpage )