HOROSCOPE, June 11, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Kailangan mo ng kasangga. Sa pag-ibig, kung binata ka pa o dalaga, mas makabubuting mag-asawa ka na upang mas madali kang yumaman at lumigaya. Mapalad ang 5, 19, 23, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Rata-Om.” Blue at white ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Huwag sugod nang sugod! Mag-isip munang mabuti bago mag-invest ng malaking halaga. Iwasang manaig ang isang imoral na relasyon. Mapalad ang 4, 17, 28, 34, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Atharva-Abrahma-Om.” Red at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Sa pag-ibig, makunteto sa kasalukuyang karelasyon. Sa pinansiyal, ipagpasalamat ang kasalukuyang hanap-buhay. Alalahanin mong ang ibang mga tao na walang trabaho at walang makain. Mapalad ang 6, 9, 27, 33, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Better to want what you have than to have what you want.” Red at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Hindi awa ang dapat manaig kundi ang pagiging mukhang salapi upang yumaman ka. Sa pag-ibig, kung puro damdamin ang paiiralin, paano ka uunlad at magkakapera ng malaking halaga? Panahon na upang maging praktikal. Mapalad ang 3, 12, 25, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om.” Gray at orange ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Huwag magpabago-bago ng isip, panindigan ang sinabi noong nagdaang araw. Sa ganyang paraan ay mas mabilis na lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, kung sino ang kasalukuyang minamahal, siya na ang magiging pang matagalan. Mapalad ang 2, 11, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Amara-Om-Ananda.” Green at yellow ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) —May lihim na naiingit sa iyo! Huwag mo na silang pansinin upang huwag masira ang araw mo. Sa pag-ibig, tandaang naiingit sila sa iyo dahil mas maganda ka sa kanila. Sa pinansyal sa tulong ng isang Aries muli kang magkakapera. Mapalad ang 1, 4, 13, 22, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhama-Yoti-Yoti-Bhama!” Gold at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—May darating na magandang oportunidad sa pag-ibig at pagkakaperahan. Wag ka nang umarte-arte pa – sunggab agad! Mapalad ang 5, 15, 27, 33, 36, at 42. Mahiwaga mong manra: “Katha-Upanisad-Katha-Om.” Red at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Kapag hindi mo iginalang ang karapatan ng iba, tutumal ang iyong benta. Sa pag-ibig, upang mapanatili ang masarap at panghabambuhay na relasyon, manatiling mahinahon. Mapalad ang 4, 15, 21, 33, 39, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Bhakti-Bhakti-Hare.” Green at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Hindi dapat magtiis at magsakripisyo alang-alang sa iba. Sa pag-ibig, panahon na upang lumaban. Sa pananalapi, ang personal mong kinabukasan at kaligayahan ang dapat mong iprioridad.  Mapalad ang 7, 16, 25, 35, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Vedanta-Sutra.” Purple  at black ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Ang pangungulit ay sangkap upang lumigaya at umunlad. Ipagpatuloy ang iyong nasimulan! Sa pinansiyal at pag-ibig, huwag kang titigil hanggang magtagumpay!  Mapalad ang 7, 15, 23,33, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “I will persist until I succeed!” Red at violet ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Tama ang pasya mong umalis sa sinilangang bayan. Sa malayong pook ay magtatagumpay at yayaman. Sa pag-ibig, sa isang sasakyang panghimpapawid o kaya’y pangdagat, mapupulot  ang  true love. Mapalad ang 5, 18, 23, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Vai-Nava.” Maroon at beige ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Ipagpatuloy ang kabaitang ginagawa. Kung laging nagbibigay ay darating ang panahong ikaw naman ang bibigyan ng tadhana ng magandang kapalaran. Sa pag-ibig, pagbutihin pang lalo ang paglalambing sa minamahal. Mapalad ang 3, 9, 27, 39, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Siva-Krisna-Om.” Red at lilac ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Hindi makukuha sa kuwento ang suwerte. Kailangang kumilos nang kumilos ng walang takot. Sa pag-ibig, naghahanap ang minamahal, mamayang gabi diligin mo siya ng masarap na romansa. Mapalad ang 4, 15, 26, 37, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Purana-Visnu.” Blue at orange ang buenas.

Read more...