Kris baka nasampal na ni Cory dahil sa pagmumura


ONE-LINER lang daw ang naging kasagutan ni Kris Aquino sa naging desisyon ni Q.C. Mayor Herbert Bautista na mas piliin ang kaniyang mga anak kaysa ipagpatuloy ang pakikpagrelasyon sa kanya – a very simple and emphatic na, “Silence is better than BULLSH**T!”

Marami ang nag-react sa sinabing ito ni Kris via her Instagram account. Parang hindi nila matanggap na ang isang napakarelihiyosang si Kris Aquino ay marunong din palang magmura.

“Okay lang yung magmura dahil normal lang sa isang tao iyon pag galit pero sana yung off-cam. When I say off-cam, it doesn’t necessarily mean na may literal na camera, huh! Yung pinost niya sa IG niya, very unbecoming of her.

“Kung buhay ang nanay niya, baka nasampal na siya. She MUST NOT and SHOULD NOT – all in caps dapat – say those things dahil they hold a very sensitive position in the land – her brother is the President of the country kaya dapat maingat siya sa mga ginagamit niyang salita.

Hindi na nga tama ang kalandian niya, hindi na nga tama ang pambabraso niya  para kumita ang mga walang kakuwenta-kuwentang entries nila sa MMFF, the nerve para magmura pa siya sa IG.

“Alam naman niya from the very start na mali ang pinasok nila ni Mayor Herbert dahil kahit hindi man kasal ang alkalde ay pamilyado pa rin ito at merong mga anak na nag-iiyakan.

Si Kris kasi ang tipo ng babaeng walang pakialam kung merong nasasagasaan basta ba magawa lang ang gusto niya.
“Muntik na niyang maagaw nang tuluyan si Bistek sa mga bata, mabuti na lang at natauhan si mayor.

That’s the price Kris had to pay for stealing Herbert from them – karma. Kaya wala siyang karapatang magmura, siya ang dapat minumura actually,” anang isang kakilala namin.

Kahit kami ay nagulat sa statement na iyon ni Kris. Hindi bagay sa kaniya. Hindi kasi ganyan ang pagkakilala namin sa kanya. Kahit gaano man siya kagalit noon ay hindi mo maringgan iyan ng pagmumura o paglalabas ng ganitong uri ng salita.

May mga nagtatanggol naman kay Kris by saying na tao lang si Kris and like many of us, normal lang din siya para makapagmura.

Coming from a Kris Aquino nga naman na palaging ipinamamarali ang iba’t ibang simbahang pinupuntahan niya ay parang off nga naman. Baka multuhin siyang bigla ni Tita Cory, ‘no!

“Hindi naman mura ang bullsh**t,  ah. Hindi naman ‘yan tulad ng fu**k or PI. Tao lang din naman si Kris para masaktan tulad nating lahat kaya bakit agad kayong nagri-react negatively sa kaniya?” depensa ng isang fan ni Kris.

“Sige, i-justify mo pang tama ang ginawa ni Kris. Sige nga, isipin mong mabuti, saang kategorya mo ilalagay ang salitang ‘yun? Kamag-anak na iyan ng mura, Ining! Boba ka ba?” lalong pagtataray ng isang ka-debata ng defender ni Kris.

Nakakatawang panoorin ang dalawang ito. Pero nakakatakot baka umabot pa sa sapakan. Doon na lang kami pumasok sa eksena, pinatahimik na lang namin sila.

Huwag na kasing magpaka-pilosopo itong supporter ni Kris – mali talaga ang paggamit niya ng salitang bullsh**t. Kung tayo ang nagsabi noon ay parang matatanggap pa ng sambayanan dahil hindi naman tayo nag-pretend to be saints, di ba? Kahit paano ay normal ang dating, pero coming from a Kris Aquino, very unbecoming nga ang dating.

O siya, siya. Tama na ang bangayan! Hintayin na lang natin kung sino ang susunod na mabibiktima ng puso ni Kris.  Hanggang dito na lang muna at maraming salamat po.

( Photo credit to kris aquino official fanpage )

Read more...