Day Job Fair | Bandera

Day Job Fair

Lisa Soriano - June 11, 2014 - 03:00 AM

DON’T miss the chance at landing in jobs. Samantalahin ang pagkakataon o oportunidad para sa mga naghahanap ng trabaho o nais magtrabaho, ito ang payo ni Department of Labor and Employment- NCR Assistant Director Nelson Hornilla.

Sa pagdiriwang ng bansa ng Independence Day, may alok na trabaho ang DoLE sa publiko — job fair — local at overseas employment.

Gaganapin ang Job Fair sa Rizal Park simula alas 8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon sa Huwebes, Hunyo 12.

Bukod sa Rizal Park, isasagawa din ang Job Fair sa iba’t ibang lalawigan para mabigyan din ng pagkakataon ang mga kababayan natin na nasa mga probinsiya para makahanap ng trabaho.

May 100 employers ang makikibahagi para sa overseas employment samantalang 80 employers naman para sa local. Inaasahan na 35,000 hanggang 40,000 aplikante ang maaaring agad na mabigyan ng trabaho.

Sa overseas may pangangailangan para sa mahigit 15,000 employment habang mahigit naman sa 20,000 employment para sa local.

Katuwang ng DoLE ang iba pang ahensiya ng gobyerno gaya ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Philippine National Police para magbigay ng trabaho na nangangailangan ng karagdagang mga empleyado.

Magiging one-stop-shop din ang mangyayaring Independe job fair dahil magkakaroon ng issuance of pre-employment documentation services gaya ng pag-iisyu ng TIN ng BIR , clearance naman sa NBI, SSS, Philhealth at iba pa.

Maging ang TESDA ay magbibigay din ng demo skills , assistance para sa training at scholarship nito.

Sakabila nito, kailangan mag-ingat ang mga aplikante sa mga tiwalang indibidwal na nagsasamantala lalo na kung may ganitong event.

Paalala rin na dalhin ang kinakailangang mga dokumento, ID pictures na maaaring hanapin ng mga employer. Magtungo rin sa mga job fair na presentable. Maging direct to the point sa pagsagot sa mga interviewer. Ilan sa mga may malalaking pangangailangan para sa trabaho ay gaya ng cyber services, construction services, health and wellness, high end and low skills at iba pa. May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com. Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya. Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending