Ngayong araw haharap sa pamunuan ng MTRCB ang producers ng PBB All In dahil sa “nude painting” challenge ni Big Brother sa dalawang housemates.
Lumabag daw kasi ang said reality show sa constitutional rights ng mga bata by forcing them na mag-pose ng hubad for a painting session.
Mabuti na lang at hindi pa nagaganap ang painting eklat na ito bago na-alarm ang MTRCB. In short, naagapan pa.
Nakakaloka ang PBB, hindi talaga ito sumipa sa ratings unlike the past seasons.
Hindi na kasi natural ang pagpili ng mga housemates eh – feeling namin meron na silang napiling mga ipapasok at kaeklayan na lang ang mga kiyemeng auditions sa buong bansa.
Kaya ang mga tao ay tinamad nang manood sa kanila dahil nagsimula sa parang scripted na ang lahat. Feeling ng bayan ay dinaya nila ang mga nag-audition by giving them hope na makapasok gayong meron na silang patagong selections, kaya parang maliwanag na panloloko ito on their part.
“Sa totoo lang, wala akong masyadong kilala sa mga bagong housemates na ito. Mangilan-ngilan lang. Tsaka hindi na siya exciting. Pinasok pa itong mukhang callboy na si Daniel Matsunaga, na-link lang kay Kris Aquino ka-join agad sa show.
May naitulong ba? Something is wrong with that program, kasi nga they started wrong kaya nawalan ng gana ang taumbayan. Madaya kasi sila,” talak ng isang kausap ko.
Wala rin akong mai-comment dahil para nga namang walang kalatoy-latoy ang presentation nila. Masyado kasing mataas ang naging standard ko sa garitong uri dahil naikukumpara ko sila sa original na season ng PBB natin na sobrang ganda at hanep sa dating.
( Photo credit to daniel matsunaga official fanpage )