Congressional probe dahil sa kahihiyan

NAKAKATAKOT na ang panahon ngayon dahil sa dami ng patayan na nagaganap sa buong bansa.

Parang di kaya ng Philippine National Police (PNP) na sugpuin ang tumataas na insidente ng krimen.

Mukhang sa administrasyon lang ni Pangulong Noy na hindi mapigil ang mga patayan.

Tingnan na lang ninyo ang mga headlines dito sa Bandera kahapon:

“6 killer ng police chief patay sa engkwentro.”

“Ex-mayor ng Batangas dedo sa ambush.”

“Kagawad, tinumba.”

“2 killer ng resto owner timbog.”

“Opisyal ng QCPD
itinumba.”

Ang mga istoryang binanggit ay kahapon lamang dito sa Bandera.

Hindi pa binibilang yung mga pinapatay ng mga salarin na riding in tandem.

Sa panahon lang ng Pangulong Noy ang walang puknat na patayan, lalo na yung riding in tandem. Ibig sabihin ay walang kuwenta ang pamamalakad ng mahal na pangulo.

Dapat niyang pagtuunan ng atensiyon ang laganap na krimen kesa mag-isip na maghiganti sa mga taong diumano’y nang-api sa kanyang pamilya noon.

Dapat malaman ni Pangulong Noy na siya’y ama ng bayan at kaila-ngang marunong siyang magpatawad sa mga taong nang-api sa pa-milyang Cojuangco-Aquino noon.

Di ba ang isang ama ay marunong magpatawad sa kanyang mga anak kahit gaano man kalaki ang kanilang kasalanan?

Sa isang orientation para sa mga magulang ng mga pre-schoolers sa Ateneo de Manila kamakailan, isang pari ang nagtalumpati.

Sinabi ng pari ang mga tanyag na mga alumni o yung mga nakatapos sa Ateneo, gaya ng bayaning Jose Rizal at Manny V. Pangilinan.

Nang banggitin ng pari ang pangalan ng Pangulong Noynoy Aquino, sinabi niya na, “I think he’s doing a good job, isn’t he?”

Tumawa ang mga nakikinig sa tinuran ng pari.

Tumawa na rin yung pari.

Bakit kaya tumawa ang mga nakikinig sa si-nabi ng pari na “I think he’s doing a good job, isn’t he?”

Kayo na ang sumagot sa tanong na yan.

Nagbanta si Northern Samar Rep. Emil Ong na tatawag siya ng congressional investigation matapos bulatlatin ang bagahe ng kanyang hipag na si Desiree Ong.

Si Desiree ay asawa ni Northern Samar Gov. Jose Ong, kapatid ni Congressman.

Di kasi nakilala si Mrs. Ong ng mga airport employees na nag-iinspeksyon ng mga bagahe ng mga pasahero.

Napahiya raw kasi si Mrs. Ong dahil nakita ang kanyang mga panty at bra na size “XXL.”

Malusog ang pangangatawan ni Mrs. Ong kaya’t ang kanyang mga panty at bra ay malalaki.

Hindi naman sinasadya ng mga tangang mga empleyada ng airport ang pagbuklat ng bagahe ng asawa ng gobernador.

Lahat naman ng bagahe ng ibang pasahero ay ininspeksiyon din nila.

Hindi nila nakilala ang asawa ng kanilang gobernador.

Nanggagalaiti sa galit si Congressman Ong dahil sa ginawa sa kanyang sister-in-law.

Kaya’t ipatatawag daw niya sa congressional hearing ang mga bumulatlat ng bagahe at maging mga pulis na naka-assign sa Calbayog airport na wala namang kinalaman sa pagbulatlat.

Kapag natuloy ang imbestigasyon, ito’y hindi para “in aid of legislation” kundi “in aid of humiliation.”

Napahiya naman kasi si Mrs. Ong.

Dapat naman daw ay exempted sa inspection ang bagahe ni “senyora” dahil siya’y asawa ng pinakamataas na opisyal ng Northern Samar.

O, anong masasabi n’yo?

Read more...