Hindi ko ibinugaw ang anak ko kay Willie! – Daisy Romualdez | Bandera

Hindi ko ibinugaw ang anak ko kay Willie! – Daisy Romualdez

Jobert Sucaldito - June 10, 2014 - 03:00 AM


PUMUTOK ang balitang mag-on na raw sina Danita Paner at controversial TV host Willie Revillame – ang itinuturong naglapit kay Danita kay Willie ay ang mismong ina raw ng dalagang si dating aktres na si Daisy Romualdez.

Nu’ng araw na sinasabing lalong nagkalapit ang loob nina Willie at Danita sa isa’t isa ay kasama mismo si Ms. Daisy sa bahay ni Willie sa Tagaytay.

They were in a group daw nang pumunta roon pero iniwan daw ni Daisy si Danita kay Willie kaya ayon sa mga malilisyosong kababayan natin, si Ms. Daisy raw ang mismong nag-udyok sa dalawa na maging magsyota.

“Matagal na kaming magkakilala ni Willie, magkaibigan kami and close sila ng mga anak ko. Unfair naman para sabihin nilang ako ang nagbugaw sa anak ko.

Hindi ko magagawa iyan sa sarili kong anak. May sariling isip si Danita at mismong si Willie ang nagsabi sa aking wala silang relasyon. At halimbawa ma’y maging sila, ang sinasabi ko lang ay huwag na huwag lang niyang apihin ang anak ko at mamartilyuhin ko siya.

“Anong ibinugaw ang sinasabi nila? Pamilya ang turing ni Willie sa amin. Mahal niyan ang mga anak ko noon pa. Halimbawa ma’y magkagustuhan sila ay labas na ako roon.

May sarili na silang utak para gawin ang gusto nila sa buhay nila. Pero hindi ko magagawa ang ibinibintang nila sa akin,” ani Ms. Daisy na balitang nagkakatampuhan tuloy ngayon with Danita dahil sa pagpapainterbyu nito sa media about the issue.

Ayaw daw kasi ni Danita nang ganoon. “Wala naman akong masamang sinabi sa interview. Ang sinabi ko lang naman ay huwag magkamali si Willie na lokohin o apihin ang anak ko at martilyo ang katapat niya sa akin.

Anong masama roon?” ani Ms. Daisy. Kilala si Daisy Romualdez na matapang at mataray kaya wala talagang puwedeng maglalakas-loob na buwisitin siya at susugurin niya talaga ang sinumang kagalit niya.

Pangit nga namang pagbintangan siyang nagbugaw ng sarili niyang anak. Idinadaan daw kasi ni Willie sa pagreregalo ng anything na mamahalin kay Daisy kaya ipinagkatiwala na raw ng dating aktres ang kaniyang dalaga sa sikat at mayamang TV host.

Madalas din daw bigyan ng pera ni Willie si Daisy kaya ganoon na lang siya kung mahalin ng dating aktres. Kaya ngayon daw ay tahimik na nagsasama sina Danita at Willie sa Tagaytay dahil panay ang shopping ni Willie para kay Daisy Romualdez.

Ano kaya ang reaksiyon ni Ms. Daisy sa isyung ito? Yung tungkol sa perang ibinibigay ni Willie kay Daisy, totoo naman iyon dahil Willie supports Daisy’s concerts every now and then pero hindi para sabihing bahagi ng diskarte ni Willie ang pagrega-regalo kay Daisy para maging dyowa si Danita.

Kung nagkataong magsyota na nga sina Danita at Willie, personal na nila iyon. Mas nanaisin na lang din siguro ni Daisy na mapunta si Danita kay Willie kaysa mapunta ito sa kung sinumang lalaking kalam din ang sikmura, di ba?

At least, with Willie ay busog si Danita, hindi na siya magugutom dahil mapera si Willie. Kumbaga, usapang-praktikal lang ito. But Daisy denies na ibinugaw niya ang sariling anak. That’s grossly unfair nga naman.

Dapat ay magsalita na sina Willie at Danita. Kung sila na nga ba talaga para mabawasan na ang stress ng ina ni Danita. Kasi nga, ayaw siyang tigilan ng isyung ito. Kawawa nga na naman ang dating aktres.

She is being forced to good. Ang pangit kasi ng dating sa taumbayan. They have tainted Ms. Daisy’s image. Kawawa naman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to willie revillame official fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending