Nakakaloka pala ang mga pinaggagagawa ngayon ni Maegan Aguilar. Ayaw pa rin talagang tumigil ng babaeng ito sa pananakit sa kanyang ama lalo na sa kanyang madrasta.
Napakarami tuloy nang-uusisa kung bakit daw ba masyadong matindi ang galit sa mundo ng babaeng ito, ano raw ba ang gusto niyang mangyari, ang makitang nakatihaya na lang ang kanyang ama dahil sa sobrang sama ng loob sa kanya?
Kapag nag-show siguro ngayon si Maegan ay walang manonood sa kanya, siguradong malulugi lang ang prodyuser, dahil sa pag-ayaw sa kanya ng ating mga kababayan.
Gusto kasing patunayan ni Maegan na nagkamali si Ka Freddie Aguilar sa bagong babaeng kasama nito ngayon bilang asawa, gustong ipamukha ni Maegan sa kanyang ama na nagkamali ito ng pagkampi kay Jovie, ang kanyang madrasta na kung ilarawan niya ay taong-bundok at anak lang naman ng magsasaka.
Walang kapaguran ang babaeng ito sa paninira sa taong naging dahilan kung bakit siya nasa mundong ibabaw ngayon, hanggang makakaya pa niyang saktan uli ang kanyang ama ay gagawin niya, salbahe sa magulang ang hitad na musikero kunong ito.
Pagkatapos niyang maipahiya ang kanyang madrasta ay ano na naman kaya ang magiging kasunod nu’n? Titigil na ba si Maegan o patuloy pa rin siyang mangangalap ng mga negatibong impormasyon tungkol sa asawa ngayon ng kanyang tatay?
Walang katahimikan ang kalooban ng babaeng ito.
Nakaaalarma ang ganu’n, dahil baka sa halip na ang kanyang ama ang mamatay sa galit ay siya mismo ang maputukan ng ugat sa sobrang galit sa mundo.
Komento ng isang kaibigan naming propesor, “Thank God, hindi ko naging anak ang palalong Maegan Aguilar na ‘yan!”
( bandera.ph file photo )