Speaking of Zanjoe Marudo, siguro haba-haba ng hair ngayon ni Bea Alonzo! E, kasi nga, nagbitaw ng salita ang aktor kamakailan na ang pantasya lang niya noon, ngayon ay nagkatotoo na, na ang tinutukoy nga ay ang pagiging magdyowa nila ni Bea.
Tatlong taon na ang relasyon nila at going strong pa rin. In fairness, simula nang maging sila, walang grabeng intriga sa kanilang pagsasama. Kaya feeling ni Zanjoe, nasa kanya na nga ang lahat.
“Masarap ‘yung pakiramdam na ‘yung fantasy mo, naging reality,” aniya kasabay ng pagsasabing pinaghahandaan na rin niya ang kasal nila ni Bea. Gusto niyang magpayaman pa para maibigay ang lahat sa kanyang future wife and kids.
“Kaya nga gano’n ‘yung pag-iisip ko. Kasi alam naman natin si Bea, she’s made, successful, ‘diba? Maganda na ‘yung buhay niya, pero siyempre, ako, gusto ko, kung magkakatuluyan kami, ready ako, capable ako na mag-provide ng kung ano ang buhay niya ngayon,” sey pa ng Kapamilya leading man.
Samantala, napanood na namin ang pilot week ng bagong Primetime Bida series na Sana Bukas Pa Ang Kahapon nina Bea at Paulo Avelino sa Trinoma cinema 7 last Saturday (special celebrity screening), at talagang bonggang-bonggang pinalakpakan ito ng audience.
Nakakaloka ang ganda ng istorya at level up na ang akting ng bagong loveteam nina Bea at Paulo. Bukas, bibigyan namin kayo ng patikim tungkol seryeng ito na siguradong mas magpapainit at mas magpapa-excite ng bawat gabi n’yo!
( Photo credit to bea alonzo official fanpage )