Sulat mula kay Rizza, ng Clarin, Misamis Occidental
Dear Sir Greenfield,
Japayuki ang tawag sa akin dahil nagtrabaho ako noon sa Tokyo. Pero, hindi ako Japayuki. Ang trabaho ko noon ay sa restaurant ng mag-asawang Hapon at Pinay.
Kumita naman ako dahil mahal ang lapad sa bansa. Tinapos ng mag-asawa ang “kontrata” ko nang habulin ang lahat ng Pinoy na ilegal na nagtatrabaho sa Japan. On and off ang trabaho ko dito sa ating bansa kaya nais kong bumalik sa Japan dahil marami naman akong kakilala roon. Kailan ba ako makaaalis?
Umaasa,
Rizza, ng Clarin, Misamis Occidental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
M
alinaw ang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Na ang ibig sabihin ay huwag kang susuko. Laban nang laban at huwag tatamarin sa paglalakad ng mga papeles at requirement. Makababalik ka rin sa Japan dahil hindi ka naman pala Japayuki. At wala nang visa para sa entertainers.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, King of Clubs at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang naglalarawan ng susunod na mga pangyayari:
“Makapagdya-Japan kang muli sa tulong ng lalaking mas matanda sa iyo at ang nasabing pagdya-Japan ay nakatakdang maganap sa ika-siyam na buwan ng 2015.”
Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
