Kathryn bawal nang ligawan ng ibang lalaki, pag-aari na ni Daniel


Iisa ang komento ng entertainment media at iba pang bisitang dumalo sa press launch ng endorsement ni Kathryn Bernardo – lalong gumanda ang dalaga at mas tumindi pa ang sex appeal.

Habang tumatagal daw ay nagiging dyosa ang aura ni Kathryn, kaya naman hindi na nakapagtataka kung baliw na baliw si Daniel Padilla sa kanya.

At hindi na rin kami magtataka kung may maglalakas-loob na mga lalaking manligaw kay Kathryn kahit alam nilang MU na sila ni DJ. Takot lang nila, ‘no! Ha-hahaha!

Pero kung babasahin ang mga kilos at salita ni Kathryn, mukhang imposibleng mag-entertain pa siya ng ibang suitors ngayon dahil kitang-kita naman na super in love rin siya sa kanyang ka-loveteam. Sa presscon nga ng Smart C juice drink, ang produktong ine-endorse ni Kath, blooming na blooming ang dalaga.

Sa kabila kasi ng kaliwa’t kanan niyang trabaho, walang makikitang pagod o stress sa itsura niya. Sabi nga namin, hiyang na hiyang siya sa work. Super busy na rin sila ni Daniel sa shooting ng “She’s Dating The Gangster”.

“Nag-e-everyday shooting na po kami, as in nag e-every day na kami para matapos na. At sinisiguro namin ni DJ na malayo ito sa lahat ng nagawa namin, kasi very particular kami du’n sa akting, like yung sa mata, sa paghinga, as in lahat yun, iniiba namin,” kuwento ng Kapamilya Teen Queen.

Dinenay din ni Kath na may tampuhan sila ni Daniel dahil sa hindi niya pagsipot sa blessing ng bagong bahay ng binata. Aniya, nagsabi na siya kay Daniel na hindi na siya makakarating dahil late na natapos ang shooting nila.

Very proud siyempre ang dalaga sa bagong achievement ng ka-loveteam, matagal na raw kasing pangarap ni Daniel na mabigyan ng sariling bahay ang kanyang pamilya, “Masaya, masaya ako para sa kanya.

“Kasi after ng Dodge niya (dream car), yun naman talaga yung next dream niya, na sariling bahay. And masaya ako para sa kanila ni Tita Karla (Estrada, nanay ni Daniel) kasi alam ko kung ilang puyat at kung gaano nila pinaghirapan yun, at deserve naman talaga nila,” sey  ni Kathryn.

Naikot na rin daw niya ang bahay ni DJ, “First time ko nu’ng surprise birthday niya. So, du’n ko nakita. Tapos nag-tour kami, ’tapos super excited siya ipakita. Kaya masaya ako kasi naramdaman ko na masaya siya.”

Sa kabuuan ng bahay ng Teen King ng ABS-CBN pinakagusto raw ni Kath ang game room, “Di ba, meron silang court, tapos lalagyan nila yun ng billiard table, as in yung mga panglaruan.

So, du’n ako nae-excite, sa gagawin nilang yun. Para du’n kami talaga puwedeng mag-relax and mag-bond talaga.”At ang sikreto raw ng magic ng KathNiel sa kanilang fans ay, “Very natural siguro kasi maganda din kasi yung relationship naming dalawa.

Yung friendship namin, sobrang tibay na kaya comfortable na kami sa isa’t isa.”

( bandera.ph file photo )

Read more...