SAKIT talaga ng mga kababayan natin ang hanapan ng kamalian ang kapwa. Parang napakalilinis nating lahat para idikdik ang isang taong wala namang ginagawang labag sa batas, na tanging pangarap lamang ay makaraos sa kahirapan ng buhay.
Eh ano naman ngayon kung halimbawa ma’y merong relasyon sina Sigue-Sigue Sputnik leader Ricardo Camata at starlet Krista Miller?
Nabatid natin from some sources na nag-guest nga sa isang Sagala event sa New Bilibid Prisons si Krista nitong last week of May at nakilala nga raw itong sinasabing gangleader na na-confine sa Metropolitan Hospital at dinalaw nga ni Krista.
Bawal daw kasing dalawin si Camata ng sinuman unless approved yata by the DOJ or what, and in fairness naman kay Krista, inamin niya that she went to see Camata sa kanyang hospital room and stayed for 10 minutes or so.
Pinagpipilitan ng mga nagmamalinis na kesyo hindi totoong nag-aalok itong si Ms. Miller ng condo because she is into this line of work. Gustong palabasin ng mga marurumi ang isip na merong relasyon ang dalawa at merong ginawang di-kanais-nais sa loob ng hospital room ni Camata.
Meron pang isang anggulong baka nagdala ito ng droga sa hospital na nakalusot sa mga guards dahil hindi nila na-check nang pumasok ito sa building.
Wait lang! Bakit si Krista ang dinidikdik nila? Sino ang may kasalanan kung napuslitan sila ng droga halimbawa ma’y merong dala ang babae sa kuwarto ni Camata? Siya ba ang guard ng hospital? That’s incompetence on the part of the hospital personnel. Labas si Krista roon.
Tsaka, halimbawa ma’y totoong may relasyon sina Krista at Camata, ano naman ang isyu roon? Wala ba silang karapatang magmahalan porke nakakulong ang lalaki?
Meron ba silang pinanghahawakang ebidensiyang makikita ang dalawang naglalampungan or nagsi-sex or what? Kasi parang iyon ang gusto nilang tumbukin eh.
Diretsahan na – ano ang gusto ninyong ma-confirm? Na nagtalik ang dalawa sa loob ng kuwarto in a span of 10 minutes? Huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa.
At bakit si Krista ang sisisihin nila kung nakapasok ito sa kuwarto ni Camata? Bakit hindi ‘yung mga guards na nagbabantay sa preso? Nakakaloka talaga ang mga kababayan natin, gusto pang isabit si Krista just because she is a celebrity.
Kung ordinaryong babae lang iyon na pumasok sa kuwarto ay deadma lang sila. “Halata namang nagdi-deny lang si Krista sa mga sagot niya sa presscon kung bakit nandoon siya sa kuwarto ni Camata, ‘no! Obviously ay hindi condo ang inalok niya kaya Camata, for sure ay…alam mo na,” talak ng isang malisyosong kaibigan namin.
For the sake of argument lang, eh ano naman ngayon kung halimbawa ma’y ibinebenta niya ang kaluluwa niya sa tao, anong problema niyo? Anong paki ninyo? Bakit? Meron bang isang artistang babae rito na umamin na siya’y nagpabugaw – na siya’y nagpabayad sa isang panandaliang aliw? Natural that she has to protect her name.
Bakit? Kayo ba’y ubod ng linis? Ang bilis ninyong mag-judge sa kapwa ninyo – hindi kayo naawa. Mabuti kayo kasi mayayaman kayo – na hindi ninyo kailangang ikalakal ang sarili ninyo just to make a living.
Bakit nangingialam kayo sa diskarte ng kapwa ninyo? Kanya-kanya tayo ng kapalaran sa mundo -kaiya-kanya tayo ng diskarte kung paano makaahon sa kahirapan.
For as long as hindi kayo pinakikialaman ni Krista sa mga diskarte ninyo, wala rin kayong karapatang husgahan siya. Bakit? May hawak ba kayong ebidensiyang nakapatong si Camata kay Krista? Meron ba silang ebidensiyang hawak na sumisinghot ng droga ang dalawa sa kuwartong iyon?
Kung wala naman kayong hawak na nagpapatunay na lumabag sa batas si Krista, manahimik kayo! Itong mga taga-gobyerno natin mga bopol talaga.
Dahil sa katangahan nila kung paano nakapasok si Krista sa kuwartong iyon ay gusto nilang isisi sa babae. Sorry but this is just a clear manifestation na na-outsmart kayo ng isang sexy starlet.
Ang bobobo ninyo kasi. Ang galing-galing talaga ng ibang kababayan nating magtahi-tahi ng kuwento. Ang ending pa niyan ay mahuhusgahan pa si Krista na siyang may kasalanan.
Bakit nila paaaminin si Krista sa bagay na gusto nilang marinig at malaman? Karapatan ni Krista na tumanggi – mag-deny at kung anupaman kasi nga, wala siyang nilabag na batas ng bansang ito.
Sila ang mga tanga at hindi nila matanggap na naisahan sila sakali mang merong naganap na iregularidad. Ha-hahaha! Buti nga sa inyo.
“Di ba’t pangit ang image ng Krista na iyan dahil siya ang naging dahilan ng paghihiwalay nina Sunshine Cruz at Cesar Montano noon?” pamimilit pa rin ng malisyosong friend natin.
Teka lang naman. Bakit si Krista ang sisisihin ninyo kung naghiwalay sina Cesar at Sunshine? Kahit sabihin pang totoong nagkarelasyon sina Krista at Cesar that time, she is not solely to be blamed there.
Ang may problema roon ay mismong sina Cesar and Sunshine – why blame it to someone else? Kung matibay ang relasyon nila – kung tunay at dalisay ang pagmamahalan ng mag-asawa, kahit anong tukso pa ang dumating sa kahit kanino man sa kanila ay hindi uubra.
It takes two to tango anyway. Kung nahulog ang loob ng isa sa mag-partner sa another person, sila lang ang makakasagot noon.
You don’t blame the third party doon.
Kahit maghubad pa halimbawa si Krista sa harap ni Cesar, kung talagang mahal ni Cesar si Sunshine, hindi niya papatulan si Krista. Iyon ay kung totoong naging sila ha.
Kaya sana tigilan na nila ang pagwasak sa pagkatao nitong si Krista Miller. I don’t know her much, once ko lang nakita ang batang ito when she guested sa “Mismo” program namin sa DZMM and she seemed nice naman.
Tulad din siya ng ilang kabataan natin sa showbiz na nangangarap lamang na makilala at kumita para makaahon sa kahirapan ng buhay. Kung anuman ang gusto niyang gawin sa buhay niya ay wala tayong paki.
You don’t condemn someone just because you heard na pumapatol siya kay ganito, kay ganoon. May mga dahilan kung bakit nagagawa ng ibang tao ang mga bagay-bagay na minsa’y labag sa kanilang kalooban pero dahil sa kapit sa patalim na nga kaya hindi na sila nakakapanlaban.
We are not here to judge her or anyone for that matter. Let’s all shut up, OK?
( Photo credit to krista miller official fanpage )