De Lima may 4 sex video?


NAGBANTA kahapon ang whistleblower na si Sandra Cam na ilalantad niya ang umano’y apat na iba’t-ibang kuha ng sex video ni  Justice Sec. Leila De Lima.

Sa isang ulat sa radyo (dzMM) sinabi ni Cam, na siyang pangulo ng  Whistleblowers Association of the Philippines, na mapipilitan siyang isapubliko ang sex video sakaling makalusot si De Lima sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA).

Ayon kay Cam, tampok umano sa sex video ni De Lima ang kanyang driver/bodyguard. Nauna nang nagsumite ng affidavit si Cam sa CA na kung saan inakusahan niya si De Lima ng pagkakaroon ng “illicit affairs” sa mga  may-asawang lalaki, kabilang na ang kanyang driver na si Ronnie Dayan at si  Cesar Mancao, isa sa mga akusado sa pagpatay sa publicist na si Bubby Dacer.

Base pa sa ulat, ipinagtanggol naman ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte si De Lima sa pagsasabing  “below the belt” na ang alegasyon ni Cam laban sa kalihim.

( Photo credit to inquirer news service )

Read more...