“Pareho kaming swerte sa isa’t isa!” ‘Yan naman ang tugon ni Bea Alonzo sa tanong ng entertainment press kung kino-consider niyang lucky charm si Zanjoe Marudo sa kanyang career.
In fairness kasi, simula nu’ng maging magdyowa sila, tuluy-tuloy na ang kanilang mga projects, as in pareho silag hindi nababakante sa trabaho.
Tulad ngayon, sabay pa silang nagpo-promote ng mga bago nilang proyekto – si Zanjoe sa latest movie niya sa Star Cinema, ang “My Illegal Wife” with Pokwang at si Bea naman sa bago niyang teleserye sa Primetime Bida ng ABS-CBN na Sana Bukas Pa Ang Kahapon opposite Paulo Avelino.
“At least suwerte kami sa isa’t isa,” nakangiting chika ni Bea. “Nakakatuwa. I’m very, very, happy for him, kasi ‘yon ang direksiyon na tinatahak niya.
Kasi, I know na ‘yon talaga ang gusto niya, comedy. ‘Yon talaga ang passion niya,” dagdag pa ng aktres. Spoof ng The Legal Wife ang movie nina Zanjoe at Pokwang, pati na rin ng last movie ni Bea na “Shes The One”, kaya natanong ang aktres kung ano ang masasabi niya sa mga “love scene” ni Zanjoe kay Pokwang?
“Nakaka-offend. Iba yung mga reaksiyon na nakukuha ko, e. Na-offend talaga ako!” tawa nang tawang biro ni Bea. “Hindi, honestly, masaya ako. Ako nga ang unang-unang nanonood ng trailer nila, sobrang tawang-tawa ako.”
Lagi na lang tinatanong sina Bea at Zanjoe tungkol sa plano nilang pagpapakasal, pero pareho lagi ang sagot nila, ani Bea, “Mahirap din matanong ng ganun ‘tapos mape-pressure kang sumagot, so wala pa.”
Hirit pa niya, “Depende ‘yan sa magiging relasyon namin, sa mapupuntahan ng careers namin. I still want to travel the world, ‘yon pa lang, parang, marami pa ang nasa bucket list ko na, feeling ko, hindi ko matutupad kung mag-aasawa ako.”
Anyway, magsisimula na sa darating na Lunes ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon na siyang papalit sa The Legal Wife. Ito’y sa direksiyon nina Jerome Pobocan at Trina Dayrit.
( bandera.ph file photo )