Minus Matteo, classmate namin ang tatlo sa halos weekly regimen namin sa Faces & Curves nina Dr. Jay at Dra. Sheila Recasata kaya knows talaga namin ang mga peg ng romantic moments nila.
Very vocal na ngayon si Maja sa love niya kay Matteo na labs na labs namin kapag nagbibisaya na.
Unlike before na medyo hesitant pa siyang magdetalye, ngayon, open na siya ultimo sa isyung hindi siya tanggap ng parents ng binata.
“Wala naman pong ganu’n, hindi po totoo yun. Mahal na mahal siya ng pamilya ko, ng parents ko,” pagtatanggol ni Matteo kay Maja sa presscon ng “My Cactus Heart”.
Five years ang ibinibigay na time frame ni Maja para sabihing ready na siya para magpakasal though si Matteo na nga raw at this time ang lalaking gusto niyang makasama for life.
Proud din sila sa movie na nagawa nila dahil as real-life sweethearts, mahirap daw palang gumawa ng mga eksena na may love angle, lalo na ang mga landian at halikan, “Kung kami nga lang e, nagkakahiyaan pa, yun pang may mga tao at kamera,” tsika ni Matteo sa amin.
Iba naman ang emote sa torrid kissing scenes nina Kim at Xian bilang couple sa malapit na ring magtapos na My Binondo Girl.
Talagang walang magsasabi na walang namamagitan sa dalawa base sa naturang halikan pero ang emote nga ni Kim ay nagpapaligaw pa lang siya sa anak-anakan naming guwapo at mabait.
The fact is, gaya ng madalas naming itsika, normal na tuksuhan namin sa klinika nina Dr. Jay at Dra. Shiela ang tungkol kina Kim at Xian.
May mga pagkakataon pa ngang nakikisali ang mommy ni Gerald Anderson na para sa kanya ay si Kim pa rin ang tamang babae sa pogi niyang anak.
Pero hindi naman siya kumokontra pag si Xian na ang pinag-uusapan dahil nababaitan at naguguwapuhan din siya sa binata.
Basta, kung maligaya man sina Matteo at Maja, maligaya din ang mga kaibigan nilang sina Kim at Xian.