Marian nainsulto sa ‘pagsugod’ sa isang barangay sa Q.C.

MARIAN RIVERA

Marian Rivera is a very “popular” celebrity. Well, that’s what we think.

We’re very surprised when we watched online one episode of Eat Bulaga where kasama si Marian sa Juan for All, All for One segment ng show.

Aliw na aliw kami when one guy called Marian “Miriam”. When asked for Marian’s surname ay hindi niya ito masabi. Obvious na hindi niya kilala ang dyowa ni Dingdong Dantes. And when the interview prospered, tinawag naman niyang Mariam si Marian. Ano ba talaga, kuya?

‘Yung elderly woman naman na in-interview bago binigyan ng papremyo sa Juan for All, All for Juan segment ay hindi rin matawag si Marian sa kanyang tunay na pangalan. Marianne naman ang itinawag sa aktres, as in Marianne dela Riva.

Sa barangay Batasan Hills sa Quezon City naganap ang lahat ng kapalpakan sa name ni Marian.

Sari-sari naman ang naging reaction ng netizens sa kapalpakan ng mga tao sa pangalan ni Marian.

“Siguro yong mga walang tv sa bahay imposible kung sa abroad kilalang kilala si marian dito pa,” one guy opined.

Another said, “But it’s wrong kasi ipinakita sa show na pinasok ang bahay at merong TV, ‘no!”

Pareho naman ang obserbasyon ng dalawang fans, “Tingin q mga taga dos yan! Kya d nila kilala si Yan,” one said while the other believes that “Halata nga na sa kabilang channel sila nanonood, walang kilala. ano ba yan .. dapat di ganyan ang winner at dapat din i-screen maigi ang mga entries.”

Ganoon din ang paniwala ng isa pang guy who commented, “Oo halata abs country ito kya hndi alam maski pinaka sikat na artista ng gma. dapat eye opener ito sa mktg arm ng gma. NCR palang yan ha paano na sa malalayo.”

If Marian was insulted, hindi naman ito naramdaman ng mga manonood. She was smiling all throughout the interview. Game na game pa rin siya kahit na isang malaking kahihiyan ang tinamo niya.

Read more...