Dina umaming super fan ni Bea: Hindi kasi siya baboy panoorin!

DINA BONNEVIE AT BEA ALONZO

Bukod kay Ms. Susan Roces na kasali rin sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon, isa pang umaming certified fan ni Bea Alonzo ay ang mataray na aktres na si Dina Bonnevie. Nagsimula raw siyang humanga sa aktres sa seryeng Kay Tagal Kang Hinintay kung saan unang nakasama ni Bea si John Lloyd Cruz.

Simula raw noon ay hindi na nag-miss si Dina na panoorin ang bawa’t project ni Bea, sa katunayan ang huli niyang pinanood na pelikula ng aktres ay ang “She’s The One”.

Kaya nang makita raw ni Dina si Bea sa set ay, “First time I saw her in the set, sabi ko, ‘Bea, I’m your fan, lahat ng movies mo, napanood ko and I’m so happy to work with you.”

Gustong-gusto raw ni Ms. D kapag umiiyak si Bea, “Ako kasi, pag umiiyak sa screen, ang pangit ko. Siya, pag umiiyak siya sa screen, glam pa rin. At saka totoo ‘yun, lahat ng pelikulang napanood ko sa kanya, kahit na sobrang intense ng love scene niya, hindi siya baboy panoorin. Very decent,” kuwento pa ni Ms. D.

Sagot naman ni Bea, “Maraming maraming salamat po. And siyempre, nagpapasalamat din ako sa ABS-CBN at sa Star Cinema siguro dahil na rin sa mga roles at pelikula at projects na binibigay nila. Sila talaga ‘yun. I’m very blessed. Thank you po.”

Read more...