Panginoon ba o politiko?

TEKA muna. Nag-iiba ang ihip ng hangin sa simbahang Katolika. Naglalaro sa isipan ng mga obispo na mag-block voting ang mga kaanib (kailan ba nagkaisa ang mga Katoliko sa pagboto sa mga politiko?) sa eleksyon sa 2010. Pero, ayon kay Cebu Archbishop Cardinal Vidal, hindi puwedeng iboto si Noynoy Aquino (o ang kanyang partido, kapag nag-block voting) dahil isa siya sa sumuporta sa Reproductive Health bill, na mahigpit na tinutulan ng mga pari dahil pabor umano ito sa abortion at pagpigil ng pagbubuntis para makontrol ang bilang ng napakaraming Pinoy sa bansa. Nagtataka ang mga kaanib at deboto kung bakit ang kanilang pari ay tumitingala na ngayon sa mga politiko. Wala nga namang pera sa Panginoon, ganoon ba? Payag ka ba na tangkilikin ng mga pari ang mga politiko at sumama sa kampanya sa eleksyon? Ibig naming malaman ang saloobin mo.

BANDERA Editorial, September 16, 2009

Read more...