Ibig mag-asawa

Sulat mula kay Arnaldo  ng Barangay
Banonong, Dapitan City
Dear Sir Greenfield,
Malapit na akong tumuntong ng 30, wala pa rin akong syota.  Masasabing hindi pa ako nakatitikim ng tsiks. Bagaman hindi malaki ang suweldo ay meron naman akong trabaho.  Kaya kahit paano, may pantustos din naman ako sa aking hilig at bisyo.  Sana’y bago sumapit ng 30-anyos ay may asawa na ako.  Sana masagot ninyo ang tanong ko kung kailan ako makakahanap ng girlfriend at makapag-aasawa. July 19 ang birthday ko.
Umaasa,
Arnaldo ng Barangay Banonong, Dapitan City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw at kaisa-isang Marriage Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kahit na 27 years old ka na sa kasalukuyan, hindi ka dapat mag-alala, dahil tiyak na magkaka-girlfriend ka sa taon ding ito at makapag-aasawa, sa susunod na taon.
Cartomancy:
Two of Hearts, Jack of  Clubs at Ten of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa buwan ng Oktubre, isang babaing may initial na B. O. kaya’y J. ang iyong makikilala, siya ang magiging girlfriend mo hanggang sa tuluyang mapangasawa.
Itutuloy…

Read more...