Pacman hinabol ng BIR, bakit si Napoles hindi?

KUNG hinabol umano ng Bureau of Internal Revenue (BIR) si Sarangani Province Rep. Manny Pacquiao na nakapagbigay ng karangalan sa bansa, bakit hindi ang isang tulad ni Janet Lim Napoles na inaakusahang nagkamal ng pera ng bayan?

Ito ang tanong ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., kay BIR Commissioner Kim Henares. “Pacquiao earns a living in the boxing ring and never dipped his hands into public coffers but he was slapped with a tax evasion case.

I think Napoles and her family deserve to be investigated more than the man revered as the ‘People’s Champ’ for bringing countless honor to the country,” ani Barzaga na isang abugado at certified public accountant.

Ang pork barrel fund ay dumaan sa mga non-government organization na itinayo ni Napoles kaya tanong ni Barzaga: “The money was funnelled through these Napoles NGOs.

Did they (Napoles’ NGOs) declare the proceeds of the pork barrel fund coursed through them in their gross sales? Did they even pay any taxes?”

Maaari rin umanong habulin ng BIR ang mga naging ahente ni Napoles at tingnan kung idineklara nila ito sa kanilang income tax return. Umabot umano sa daang milyon ang komisyong nakuha ng mga nag-ahente sa mga NGO ni Napoles.

Punto ni Barzaga, itinatanggi ni Napoles na bogus ang kanyang mga NGO kaya dapat ay nagdedeklara ng kita ang mga ito.
Samantala, nalipat naman ang iskedyul ng susunod na laban ni Pacquiao sa Cotai Arena sa Venetian Hotel and Casino sa Macau, China mula Nobyembre 16 sa Nobyembre 23.

Ito ay matapos na inanunsyo na magkakaroon ng concert ang superstar singer na si Celine Dion sa Nobyembre 8 sa nasabi ring venue na naging dahilan para ilipat ng Top Rank ang laban ni Pacquiao sa ibang araw.

Sinabi naman ni Top Rank CEO Bob Arum na nakausap na niya ang kampo ni Pacquiao patungkol sa susunod na laban nito bagamat pinagpipilian pa kung sino ang makakalaban ni Pacman.

Ilan sa mga lumutang na pangalan ay sina Amir Khan, Ruslan Provodnikov at Juan Manuel Marquez.

( Photo credit to inquirer news service )

Read more...