Aga hindi papayag na basta na lang masira ang relasyon nila ni Charlene


HINDI man lang na-bother si Mommy Elvie Gonzales, ina ni Charlene Muhlach sa nasulat na hiwalay na ang kanyang anak sa mister nitong si Aga Muhlach.

Tanong namin kay Mommy Elvie kung ano ang katotohanan sa isyung ito tungkol sa mag-asawa, at ang tanging tugon niya, “Not true, bayaan mo na, basta happy sila.”

May kinausap kaming kaibigan ng mag-asawang Aga at Charlene, “Hindi naman naiiwasan na may tampuhan dahil normal sa mag-asawa kapag may discussion, pero ‘yung darating sa maghihiwalay, that’s impossible knowing Aga, napaka-family oriented niyan.

“Lumaki si Aga na hiwalay ang magulang niya kaya alam niya ang hirap na dinanas niya at ayaw niyang mangyari iyon sa kambal nilang sina Andres at Atasha.

The kids were very smart and beautiful as well, tapos masisira lang?” paliwanag sa amin. Sa ganang amin, ‘yung sinasabing magkahiwalay na raw ng kuwarto sina Aga at Charlene ay baka siguro ginabi ng uwi si Aga at sa guest room na lang natulog.

“Kaka-celebrate lang nila ng 13th wedding anniversary nila last May 28,” sabi pa sa amin ng kaibigan ng mag-asawa.
Say namin kay mommy Elvie, “Okay na rin na may isyu, at least nasusulat sila. Ha-hahaha!” at nag-thank you sa amin ang ina ni Charlene.

( Photo credit to aga muhlach official fanpage )

Read more...