Kayamanan ni Cedric Lee walang nagawa para makalabas ng kulungan; Vhong di paaareglo


Nakakaawa rin si Cedric Lee. Dahil hindi niya matanggap-tanggap ang katotohanan na nakakulong siya ngayon sa kabila ng pagiging mayaman niya ay pinabababa niya nang husto ang kanyang pagkatao sa pamamagitan ng pangmamaliit kay Vhong Navarro at pambabastos nang lantaran sa actor-dancer-TV host.

Ang nagaganap ngayon kay Cedric ay isang buhay na patotoo na hindi sa lahat ng panahon ay maaasahang tagapagsalba ang pera. Meron siya nu’n, umaawas pa nga, pero walang nagawa ang kanyang salapi nang dakpin siya ng mga otoridad dahil sa ginawa ng kanyang grupo kay Vhong.

Sa pinakahuling pagdinig sa kasong isinampa laban sa kanila ni Vhong ay isasabay na rin sana ang proseso ng mediation. Susubuking pumagitna sa kanila ng DOJ kung may pag-asa pa silang pag-ayusin o wala na pero hindi dumating si Vhong.

Habang iniinterbyu si Cedric ay pasarkastiko niyang sinabi na hindi raw dumating ang rapist, siguro raw ay may nire-rape pa kasi, kaya wala du’n.

Galit na galit sa kanya ang mga tagasuporta ni Vhong, ang ating mga kababayang nakapanood ng naturang footage sa mga news programs, hanggang ngayon daw ay bitbit pa rin ni Cedric ang kahambugan.

Nakakaawa naman ang taong ito, ginagawa niyang mas miserable pa ang kanyang buhay, nakaposas na nga siya pero puro pambabastos pa rin kay Vhong ang kanyang alam.

Sino ang makikisimpatya sa kanya kung ganyan na hanggang sa pagdinig ng kaso ay ganyan pa rin siya, lalo lang maniniwala ang ating mga kababayan tungkol sa ginawa nila kay Vhong, siya rin kasi ang nagkakanulo sa kanyang sarili.

Harapin niya na lang nang buong tapang ang kinahinatnan ng kanilang ginawa, pagdusahan niya ang kasalanan niya, tapos!

( bandera.ph file photo )

Read more...