Solong liderato pakay ng RC Cola

Mga Laro Ngayon(Cuneta Astrodome)

2 p.m.  Cagayan Valley vs RC Cola-Air Force  (women’s)
4 p.m.  Generika-Army   vs Cignal HD Spikers (women’s)
6 p.m.  PLDT-Air Force vs Cignal HD Spikers (men’s)

SOLONG liderato ang pakay ng nanonorpresang RC Cola-Air Force habang agawan sa unang panalo ang paglalabanan ng Generika-Army Lady Troopers at Cignal HD Lady Spikers sa women’s division sa pagpapatuloy  ng 2014 PLDT Home DSL-Philippine Super Liga (PSL) All-Filipino Conference volleyball tournament ngayon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ikatlong sunod na panalo ang mapapasakamay ng Raiders sa pagbangga sa Cagayan Valley Lady Rising Suns sa unang laro  ganap na ika-2 ng hapon.

Ang pagwakas sa  dalawang sunod na kabiguan ang makakamtan ng mananalo sa pagitan ng two-conference champion Lady Troopers at HD Spikers dakong alas-4 ng hapon.

Liderato sa kalalakihan naman ang paglalabanan ng PLDT-Air Force at Cignal sa huling laro dakong alas-6 ng gabi. Ang PLDT-Air Force ay binubuo ng mga kasapi ng pambansang koponan na naglaro sa Asian Men’s Club Volleyball Championship   pero masusukat sila sa Cignal na kasalo nila sa liderato.

Read more...