Left steering lock


NOONG 2008 pa nagmomotorsiklo ang ating texter …9001 na taga Jose Abad Santos, Davao del Sur. Nabili niya ang kanyang ikalawang kabayo noong 2013.  Bago at gawa ng isang mapagkakatiwalaang Japanese company.

Ipinagkumpara niya ang dalawang manual ng kanyang mga motorsiklo na anim na taon lang ang pagitan.  At doon ay nagtataka ang texter natin mula sa Davao del Sur kung bakit inirerekomenda pa rin ang left steering lock.

Mayroon kasing mga kaibigan ang ating texter na nanakaw ang motorsiklo kahit pa sinunod nila ang nakalagay sa manual.
Ang steering lock ay ginagamit upang hindi mapatakbo ng normal ang motorsiklo o sa mas simpleng paliwanag, para i-lock ang manibela.

Ang paglalagay ng steering lock na nakagawi sa kaliwa ay nakabatay sa pagiging right handed ng karamihan ng mga Filipino.
Ang left steering lock din ay naga-adjust upang mabalanse ang bigat ng motorsiklo kung nakaparada ito nang nakatayo sa side stand.

Para naman sa mga kaliwete, mas pabor sa kanila ang paggamit ng center stand. Ang center stand ay magandang gamitin sa mga patag na paradahan o kaya ay bahagyang pababa.

Ayon sa mga lumang manual ng motorsiklo, kapag nakapatay ang makina, ang transmission ay dapat na naka-neutral.
Pero hindi na angkop ang ganito sa  atin dahil sa maliliit na paradahan na kadalasang hindi patag o kaya ay nasa gutter ng kalsada.

MOTORISTA

CG 110
ANO po ba ang bagay na gasolina at engine oil para sa 1977 Honda CG 110?
…6535

BANDERA

CONGRATULATIONS at umaandar pa ang motor mo.  Ang ibig sabihin niyan ay marunong kang mag-alaga ng motor. Dapat ay kilalanin ka na ng Honda Phils.  Unleaded gasoline lang ang bagay dito at SAE 40 para sa langis.  Huwag gumamit ng synthetic oil. 

MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp?  I-text sa 0917-8446769

Classifieds
Motor
SWAP Yam Vega drum 0916-1184836

PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.

Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang).  Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).  Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number).

Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).  VINTAGE bike (cell phone number).  PARTS (cell phone number).  INSURANCE (cell phone number).  I-text ang mga ito sa 0917-8446769

Read more...