Vhong nagmatigas, walang balak iurong ang kaso; Cedric halos magwala sa galit


Meanwhile, hindi na rin kami nagulat sa pagpapakawala ng maaanghang na salita ni Cedric Lee noong araw na hindi sumipot si Vhong Navarro para sa mediation ng kaso nila.

Useless na rin naman kasi talagang siputin pa ang naturang hearing dahil walang balak si papa Vhong na iurong ang demanda o lalong ang isyu ng pakikipagsundo sa mga inakusahan niya.

Kaya ang ending, hayun ang mayabang na negosyante at muling nagpuputak at walang takot na tinawag na rapist ang aktor-TV host at nag-dialogue pang baka raw may nirereyp uli ito kaya hindi nakarating sa mediation hearing nila.

Ibang klase, di ba? Nakaposas na’t lahat at himas-rehas and all, pero hindi man lang yata nag-isip na magsisi sa ginawa nila?
At dahil balitang sa piitan daw nagdiwang ng kanyang kaarawan ang isa pang akusado na si Deniece Cornejo, nagkaroon umano ito ng munting salu-salo and yes, may balita pang nandu’n din ang isa pang nagdemanda ng rape laban kay Vhong na si Roxanne Cabanero na nakiiyak pa raw kay Deniece habang nakatutok sa kanila ang mga TV camera!

Bukod diyan, balita ring bongga ang mga regalo nina Cedric and company kay Deniece if only to show the world at kay Vhong na mayaman sila at keri pa rin nilang mag-celebrate kahit sa loob ng kulungan! Hmmmmppp!!!

( bandera.ph file photo )

Read more...