Bea winasak ang ‘SUMPA’ ng Showbiz


HANGGANG ngayon ay inuulan pa rin ng blessing si Bea Alonzo dahil sa pagiging humble, nananatiling nakaapak sa lupa ang mga paa ng Kapamilya leading lady sa kabila mariwasang buhay at ng tinatamasang tagumpay.

In fairness, isa si Bea sa iilang local celebrities na parehong swerte sa career at sa lovelife. Hindi pwedeng ikabit sa kanya ang “sumpa” ng showbiz – na kung swerte ka sa career, e, malas ka naman sa pag-ibig. Ibahin n’yo si Bea!

Ayon kay Bea, ito’y dahil na rin sa paggabay ng kanyang pamilya at ng boyfriend niyang si Zanjoe Marudo. Sa pocket presscon kamakailan ng bagong primetime series ni Bea na Sana Bukas Pa Ang Kahapon, isa si Zanjoe sa mga taong laging nagpapaalala sa kanya para manatiling mapagkumbaba.

“Siguro malaking tulong din na nandiyan si Zanjoe. Nandiyan ang family ko na laging nagre-remind sa akin na hindi ito forever. So talo ka kapag inilagay mo sa utak mo,” chika ni Bea na gaganap ng dual role sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon kung saan makakatambal niya for the first time si Paulo Avelino na nagpaka-daring na rin sa proyektong ito.

Dagdag pa ng tinaguriang Movie Queen of her generation, “Saka nagre-remind din sa akin na eto ka lang dati, pinoproblema dati ito. Ito lang ang po-problemahin mo ngayon, so sino ka para magreklamo?”

Inamin din ni Bea na sa estado niya ngayon, mas mahalaga na sa kanya ang ganda ng proyektong gagawin niya kesa sa talent fee na ibabayad sa kanya, tulad na nga lang nitong Sana Bukas Pa Ang Kahapon na magsisimula na sa Primetime Bida ng ABS-CBN, kapalit ng The Legal Wife.

“Dati kasi kailangang kumita ng pera at sana magkaroon ako ng puwang sa industrya so tanggap ako nang tanggap. Hanggang sa dumating na ‘yung point na iba na ang hinahanap ng puso ko.

Hinahanap ng puso ko ‘yung quality roles na,” sey ng aktres. Dugtong pa niya, “Sa personal naman, nu’ng umpisa nahihiya ako, natatakot. Pakiramdam ko maja-judge ako, pakiramdam ko baka ‘di ako tanggapin.

Ngayon nasa punto ako na kilala ko kung sino ako. So kahit anong sabihin ng tao ay alam ko kung sino ako at masaya ako kung sino ako.”
Anyway, sa trailer pa lang ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay marami na ang naku-curious kung paano tatakbo ang kuwento ng dalawang magkaibang babae (na gagampanan nga pareho ni Bea) na pagtatagpuin para harapin ang kani-kanilang tadhana.

Ito’y sa direksiyon nina Jerome Pobocan at Trina Dayrit sa ilalim pa rin ng Dreamscape Entertainment.

( Photo credit to bea alonzo official fanpage )

Read more...