Zanjoe sa kasal nila ni Bea: Ipon-ipon muna pag may time!


Maraming eskena sina Zanjoe Marudo at Pokwang sa “My Illegal Wife” na naglalampungan. With this ay natanong ang hunk actor kung bakit tila he’s so comfortable doing those scenes with the comedienne.

“Si Mamang napakahalaga, eh, kaya mahal na mahal siya ng katrabaho niya. ‘Yung mga nakikita n’yong mga eksena sa pelikula ay kailangang gawin. Kasi kapag iba ‘yung gumawa ay hindi maganda, eh.

Hindi naman namin kailangang magpatawa talaga. Siguro ‘yung pagkakasulat,” sabi ni Zanjoe. “Si Mamang, nirerespeto ng lahat. Ipinagluluto pa kami palagi niyan.

Masasabi ko na napakabuting tao niya kaya siya ang sinasabing Pambansang OFW,” dagdag pa niya.When asked to comment sa sinabi ni Zanjoe, isang “Ano pa ang sasabihin ko, nirespeto na ako ngayon” ang nasambit ni Pokwang.

Then she revealed na noong nag-start pa lang ang dyowa ni Bea Alonzo ay nasubaybayan pala niya ito. “Hindi, kasi, paglabas pa lng niya ng PBB magkasama na kami so nakita ko ‘yung pag-grow niya bilang artista.

Nakita ako ‘yung ugali niya, ‘yung kabutihan niya. Kung may trabaho, enjoy lang kami sa ginagawa namin,” say ni Pokwang.
About Bea naman, mukhang wala pa talagang plano si Zanjoe na mag-propose at magpakasal.

He said, pag na-feel na niya na it’s about time, hindi naman daw nila ‘yun itatago. More than the proposal, ang pinaghahandaan daw ngayon ni Zanjoe ay ang after ng kasal, ‘yung magandang kinabukasan na ibibigay niya sa kanyang future family.

Kaya ipon-ipon daw muna pag may time.

( Photo credit to zanjoe bea official fanpage )

Read more...