PhilHealth benefits sa may katarata

DEAR Aksyon Line:
Ako po si Faye Cruz, 22years old na po na nakatira sa Brgy. Galas, Novaliches. Ang aking lola po ay 67yrs old at siya po ay may katarata, nais ko po sanang itanong kung ano po bang mga benepisyo ang makukuha namin sa PhilHealth?
Kung ooperahan siya paano po kami makakakuha ng discount at magkano po ang makukuha namin?
Faye Cruz
Brgy. Galas,
Novaliches
Faye.cruz1325@
yahoo.com
REPLY: Dear Ms. Cruz:
Pagbati mula sa PhilHealth!
Nais po naming ipabatid na ang operasyon po para sa katarata ay bi-nabayaran ng PhilHealth sa halagang P16,000 kada mata. P9,600 ng naturang halaga ay para sa hospital charges at ang natitirang P6,400 ay para sa professional fees ng mga doktor.
Upang magamit ang benepisyo, ihanda po ang mga sumusunod na dokumento na kailangan ninyong isumite sa ospital sa oras ng paggamit:
Kopya ng Member Data Record (MDR)
Maayos na pinunan na Claim Form 1 (CF1)
Proof of contribution
Para po sa iba pang katanungan o karagdagang impormasyon, tumawag po sa aming call center, 441-7442 o mag-email sa actioncenter@philhealth.gov.ph
Salamat po.

Ang inyo pong lingkod ay maaari ring mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng
aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Read more...