KITANG-KITA sa aura ni Maja Salvador na humaling na humaling siya kay Matteo Guidicelli.
Diretsahan niyang sinabi na gusto niyang sila na ng binata ang magkasama hanggang sa ending ng kanilang love story.
Though inamin ni Maja na hindi siya masyadong showy sa kanyang emotions para kay Matteo, sinabi niyang sure siya na napi-feel ng kanyang boyfriend ang kanyang bonggang-bonggang pagmamahal, “Siguro, hindi lang po ako sanay (magpakita ng kanyang emotions).
Pero sabi ko nga, hindi lang din naman sa salita dapat sinasabi kung gaano mo kamahal ang isang tao.
“Si Matteo, alam niya yun. At alam niya kung gaano ko iparamdam ‘yung pagmamahal ko sa kanya,” chika pa ni Maja sa presscon ng latest movie nila ni Matteo under Star Cinema na “My Cactus Heart” showing na sa Jan. 25 nationwide.
Nilinaw din ni Maja ang issue na naghiwalay sila ni Matteo ng dalawang linggo dahil nagkaroon sila ng away, hindi raw kasi siya tanggap ng pamilya ng aktor.
“Wala po, ang totoo, very supportive naman ang family ni Matteo. Pasok ang beauty ko sa kanila! Ha-hahaha! Kung nagkaroon man po kami ng problema, hindi dahil sa family niya, o sa family ko.
“Sa bawat relasyon po talaga, may pagdadaanan na ganoong problema. Pero at least, ang maganda po. Naayos namin, hindi kami nagpatalo sa kung anuman,” say pa ng dalaga.
Gusto ni Maja si Matteo na raw ang makasama niya habambuhay, “Yun nga, sinasabi ko na gusto ko, si Matteo na. Kung may gawin pa siya na mali, e, hindi ko na alam. Baka maging cactus heart na ako. Ha-hahaha!”
Speaking of “My Cactus Heart” na idinirek ni Enrico Santos, sa trailer pa lang ng movie ay parang ang sarap-sarap nang panoorin nito, dahil parang bago naman ito sa aming panlasa. Tsaka for the first time nga ay magsasama sa isang pelikula ang magdyowang Maja at Matteo.
“Ang character ko po rito, hindi naman masamang puso. Kumbaga, kapag may manliligaw sa kanya at alam na niya na mai-in-love na siya, uunahan niya.
“Uunahan niyang tusukin. Uunahan niyang tinikin. Kasi, yung character ko po, takot siyang magmahal at takot siyang masaktan. Hindi dahil nagkaroon na ako ng boyfriend dati, pero may nangyari sa aking pamilya kaya naging takot ako na magmahal,” say ni Maja.
Natanong ang dalaga kung sa totoong buhay ba ay naranasan na niyang magkaroon ng “cactus heart”? “Dumating po ako sa napagod na ako. At marami sila,” pero dugtong niya, kay Matteo raw ay hindi siya napapagod magmahal.
Inamin naman ni Maja na mahirap para sa kanya ang makatambal sa pelikula ang kanyang boyfriend, “Mahirap! Ako, akala ko noong una, madali kasi, nandoon na ang kilig.
Pero kasi, habang ginagawa namin ang pelikula, para sa akin, yung characters namin, hindi si Maja at hindi si Matteo.
“Kaya parang hirap pa kami. Paano ba hindi magpakilig? Paano bang hindi ako kiligin? Paano ba ipakita na hindi ko mahal ang isang tao? Yung natsa-challenge kami.
“Mabuti na lang, nandoon si Direk Enrico, na alalayan kami kung paano ang tamang reaction.
Kung paano namin tamang ibigay sa mga eksenang ginagawa namin.
Pero bandang huli, masaya na magkasama kami together sa isang movie at nagtutulungan kaming dalawa,” esplika pa ng mas lalong gumaganda at sumeseksing si Maja.
Siyempre, kung super open na si Maja sa relasyon nila ni Matteo Guidicelli, hindi naman nagpatalo ang binata sa pagbabandera ng pagmamahal niya sa kanyang dyowa.
Say ni Matteo, si Maja na raw ang pinakahuling babae sa buhay niya at gagawin daw niya ang lahat para kay Maja.
“We’ve gone through a lot together. Ang dami na rin naming pinagdaanan at alam kong marami pa kaming pagdadaanan sa buhay.
“I accept everything as a challenge. God really has purpose for us and he’ll lead the way,” say pa ng binata.
“Talagang na-touch ako sa mga sinabi niya. Hindi niya sinasabi yan sa public. She keeps that to herself. I’m very, very proud that I have someone who’s proud of me,” dagdag pa ng binata.
Ano ba ang nagustuhan mo kay Maja? “Crush ko talaga si Maja noong nakita ko siya sa billboards and posters.
Tapos hindi ako makapaniwala na magiging kami, magkakaroon kami ng relationship. Talagang dream, e. Iba, e,” sagot ng binata.