Sulat mula kay Jerald ng Barangay Dadiangas East, General Santos City
Dear Sir Greenfield,
Para akong mamamatay nang magtapat ang pinakamamahal na girlfiend ko na hindi ako ang unang lalaki sa buhay niya at may nauna na at natikman pa siya. Awang-awa ako sa sarili ko dahil hindi pa ako nakatitikim ng babae at nang maging girlfriend ko siya ay hindi naman ako naglalaro o nagbibiro sa kanya. Tapat ako sa kanya at simula nang kami na nga ay hindi na ako tumitingin sa ibang babae para maingatan ko ang katapatan ko sa kanya. Bagaman may lamat na ang pag-ibig ko sa kanya ay mahal ko pa rin siya. Siya na ba ang mapapangasawa ko? Paano kong makipagrelasyon siya sa ibang lalaki kung ganap ko na ngang asawa siya?
Umaasa,
Jerald ng Barangay Dadiangas East, General Santos City
So
May nauna na
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...