May nauna na | Bandera

May nauna na

Joseph Greenfield - June 03, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Jerald ng Barangay Dadiangas East, General Santos City
Dear Sir Greenfield,
Para akong mamamatay nang magtapat ang pinakamamahal na girlfiend ko na hindi ako ang unang lalaki sa buhay niya at may nauna na at natikman pa siya.  Awang-awa ako sa sarili ko dahil hindi pa ako nakatitikim ng babae at nang maging girlfriend ko siya ay hindi naman ako naglalaro o nagbibiro sa kanya.  Tapat ako sa kanya at simula nang kami na nga ay hindi na ako tumitingin sa ibang babae para maingatan ko ang katapatan ko sa kanya.  Bagaman may lamat na ang pag-ibig ko sa kanya ay mahal ko pa rin siya.  Siya na ba ang mapapangasawa ko? Paano kong makipagrelasyon siya sa ibang lalaki kung ganap ko na ngang asawa siya?
Umaasa,
Jerald ng Barangay Dadiangas East, General Santos City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Isa lang ang magandang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kung sino ang iyong first love at kauna-unahang naka-relasyon, tiyak ang magaganap siya na nga ang iyong makakatuluyan at makakasama habambuhay.
Cartomancy:
Six of Diamonds, Jack of Clubs, at Queen of Hearts (Illustration 1.) Ang lumabas, ang mga baraha ang nagsasabing kahit hindi na virgin ang kasalukuyan mong girlfriend, siya na ang makakatuluyan mo at makakasama sa pagbuo ng isang masaya at panghabambuhay na pamilya. Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending