Regine napikon sa basher: Wow! Hiyang-hiya ako sa ‘yo teh!
Nag-sorry si Regine Velasquez sa isang fan na nang-okray sa kanya.
“To Vangie Atilano @eignavonalita my sincerest apology God Bless! Sensya Tao lang umuinit ulo??” say ni Regine.
Hindi kasi nagustuhan ng female fan ang pagkakakanta ni Regine sa Sunday musical variety show ng GMA 7 kaya nag-comment siya nang hindi maganda.
“Hi! u have to rest po talaga. Ur performance knina is not good,” comment ng lady fan.
Kagagaling lang yata ng Songbird sa sakit kaya naman she didn’t take the comment lightly, “Wow hiyang hiya naman ako sa pagkaka no good mo teh, I think you guys just expect toooooooo much!!!
“Kung nuknukan kayong galing kumanta at perfect ka pwede kang mag no good ok,” reaction ni Regine.
But realizing her mistake na pinatulan niya ang hitad na fan, kaagad naman humingi ng pasensiya si Regine.
To the fans, they MUST REALIZE na hindi lahat ng oras ay nasa kondisyon ang boses ng isang singer. Dapat ay inuunawa natin ang tulad ni Regine na kung nasa kondisyon naman ang voice ay hindi naman tayo binibigyan ng hindi magandang performance.
Kung makapanglait ang girl na ito akala mo mas magaling pa sa Songbird. ‘Tsura mo, no!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.