Ipinagdasal ko kay Dolphy ang pagdating ni Conrad! –Zsa Zsa

ZSA ZSA PADILLA AT CONRAD ONGLAO

“IPINAGDASAL ko talaga siya kay Dolphy!” Ito ang inamin ni Zsa Zsa Padilla sa gitna ng mga pagdududa at pang-iintriga sa relasyon nila ng bago niyang boyfriend na si Conrad Onglao.

Ayon sa Divine Diva, hindi naging madali ang pag-move on niya sa pagkamatay ng Comedy King, pero ngayong nakatagpo na siya ng bagong mamahalin, naniniwala siya na masayang-masaya na ngayon ang dati niyang partner para sa kanya.

Sa interview ng The Buzz kay Zsa Zsa last Sunday, sinabi niyang ang tawag niya ngayon kay Conrad ay “my rockstar” kasabay ng pagsasabing, sana ay ito na ang huling lalaki sa buhay niya.

“Ipinagdasal ko rin siya kay Dolphy. I prayed please give me a man who will love my girls equally. And he does. He cares so much for my girls. Ipinagdasal ko siya talaga sa Diyos,” ani Zsa Zsa.

Sa tanong kung ano sa tingin niya ang feeling ngayon ni Mang Dolphy, “Actually, when I would feel uncomfortable after a date, nag-pray talaga ako sa kanya. I want to be released kasi. It was just so hard. Ang hirap kasi magmourn eh. At a certain point nakita ko yung itsura ko, ‘artista ka pa ba?’

“Ganu’n na nangyari sa itsura ko so I really had to make a change. Tapos nu’n, a lot of times, nasa kwarto ako talaga kasi depressed ka. Actually dinaan ko nga sa kain di ba? So I gained so much weight na. Sabi ko feeling ko talaga, buhay pa ba ako? Kasi a part of you dies. So minsan ‘di maintindihan ng tao yun eh. I think kailangan mapagdaanan mo yun. I don’t want anybody else to experience it but it’s so difficult,” aniya pa.

Hirit pa ng Divine Diva, “I really want him to be the one. Ayoko kasi talaga yung papalit-palit, iba-iba. I really like fighting for something I really like, I believe in. Kumbaga worth it siya paglaban.”

Read more...