SPURS NAKABALIK ULI SA NBA FINALS

OKLAHOMA CITY — Nakabalik ang San Antonio Spurs sa NBA Finals matapos talunin sa overtime ang Oklahoma City Thunder, 112-107, sa Game 6 kahapon at ikasa ang rematch laban sa Miami Heat.

Nagtala si Tim Duncan ng 19 puntos at 15 rebounds para sa Spurs, na iho-host ang Game 1 sa Biyernes kung saan susubukan nilang makabawi buhat sa masakit na pitong-laro na pagkatalo.

Umiskor si Boris Diaw ng 26 puntos para sa Spurs, na nanalo sa conference finals kahit na ang  point guard nitong si Tony Parker ay hindi nagkapaglaro sa kabuuan ng second half at overtime kahapon dahil sa left ankle soreness.

Si Russell Westbrook ay gumawa ng 34 puntos, walong assists, pitong rebounds at anim na steals habang si Kevin Durant ay nag-ambag ng 31 puntos at 14 rebounds para sa Thunder. Nakabangon naman ang Oklahoma City mula sa 12-puntos na paghahabol sa ikaapat na yugto para makapuwersa ng overtime.

Si Kawhi Leonard ay nagdagdag ng 17 puntos at 11 rebounds habang si Manu Ginobili ay nag-ambag ng 15 puntos at anim na rebounds para sa Spurs, na nagawang nakalusot sa larong ito matapos na matalo sa overtime sa Game 6 laban sa Heat sa NBA Finals.

Natalo naman ang San Antonio sa Game 7 subalit kinalimutan na nila ang pagkatalong iyon at nakuha ang NBA best record ngayong season.

“It’s unbelievable to regain that focus after that devastating loss we had last year,” sabi ni Duncan.

Sa overtime, tumira si Duncan ng baseline jumper para ibigay sa Spurs ang 110-107 kalamangan may 19 segundo ang nalalabi sa laro.

Read more...