Bakit may suot na ternong bracelet sina Claudine at Atty. Topacio?

Si Marjorie ang pumalit kay Gretchen sa pakikipagtungayawan sa kanilang bunsong kapatid na si Claudine Barretto. Ang dating nananahimik lang, pero obyus namang kakampi ni Gretchen na si Marjorie na, ang nasa gitna ng laban ngayon.

At may nadagdag pa sa casting ng kanilang away, ang abogado ni Claudine na si Attorney Ferdinand Topacio, kinaiinisan ni Marjorie ang tagapagtanggol ng kanyang kapatid dahil pinintas-pintasan daw ang itsura ng kanyang anak na si Dani.

Dating ala-alaga ni Claudine si Daniella, panganay na anak ni Marjorie na si Kier Legaspi ang ama, pero ngayon ay nagkakabanggaan na rin ang magtiyahin dahil siyempre’y kampi ang bata sa kanyang ina.

Naungkat tuloy pati ang dating kuwento ng pakikipagrelasyon ni Marjorie kay dating Caloocan Mayor Recom Echeverri, pinagdududahan din kasi ni Marjorie ang relasyon ni Claudine sa kanyang abogado, lumalim na naman nang lumalim ang kanilang hidwaan.

Masyado nang personalan ang labanan ng magkakapatid, at kung mapapansin, ang mga camera ay hindi na masyadong nakatutok ngayon kay Raymart Santiago dahil may ibang mga pangalan nang pumapasok sa kontrobersiya.

Tanong ng bayan ngayon, totoo raw bang karelasyon ni Claudine ang kanyang abogado? Bakit daw meron pa silang bracelet na magkaterno kung saan naka-engrave ang kanilang mga pangalan?

Gusto sana naming magsalita tungkol sa paksang ito, pero meron muna kaming hihingan ng basbas, mas maganda na ang nagpapaalam kesa sa basta makikisawsaw lang sa isyu nang walang anumang basehan.

Hanggang sa muling pagtalakay sa isyung ito.

( bandera.ph file photo )

Read more...