PH Azkals bigo sa AFC Cup finals | Bandera

PH Azkals bigo sa AFC Cup finals

Melvin Sarangay - June 01, 2014 - 03:00 AM


TUMIKLOP ang Philippine men’s football team sa Palestine, 0-1, sa finals na ginanap Sabado ng madaling araw sa Maldives para mabigo sa hangaring mauwi ang kauna-unahang korona sa AFC Challenge Cup.

Si Ashraf Al-Fawagrah ang umiskor ng natatanging goal mula sa isang free kick para sa mga Palestinians sa ika-57 minuto ng laro bagamat nagawa rin nilang magdomina ang paghawak ng bola sa laban.

Ang goal ni Al-Fawagrah ang ikaanim niya sa torneo habang ang Palestine ay tinapos ang torneo na hindi nagbibigay ng kahit isang goal sa kanilang mga nakatunggali mula sa group stages hanggang sa one-off finals.

Ito naman ang unang pagkakataon na ang Palestine, na kinilala ng FIFA bilang miyembro noong 1998, ay sasabak sa Asian Cup na gaganapin sa Sydney, Australia sa taong 2015.

( Photo credit to inquirer news service )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending