‘Ipaglaban Mo’ ni Atty. Jose Sison balik-ABS-CBN


Tiyak na marami ang matutuwa sa pagbabalik-telebisyon ng sikat na sikat noong legal drama na Ipaglaban Mo hosted by father and son tandem of Atty. Jose and Atty. Jopet Sison.

In fairness, isa kami sa loyal viewers noon ng Ipaglaban Mo na dalawang beses pang ginawan ng pelikula. Bukod kasi sa nae-entertain ka na sa mga kasong isinasadula ng programa ay marami ka pang matututunan tungkol sa batas at sa mga karapatan natin bilang tao.

Ibinalik ng ABS-CBN ang Ipaglaban Mo upang muling imulat ang mga Pilipino tungkol sa kanilang karapatan at obligasyon pagdating sa batas na magsisimula na sa darating na June 7 (Sabado).

Isa ang Ipaglaban Mo sa mga sa top rating at talagang namang pinakasinubaybayang programa noong dekada 90. At dahil sa tagumpay ng programa, positibo si Atty. Sison na muling yayakapin ng mga manonood ang pagbabalik nito. “Sana ay tangkilikin muli ito ng ating mga kababayan upang mas marami pa ang matuto at mamulat sa kanilang karapatan,” anito.

Ang bawat kwentong mapapanood tuwing Sabado sa Ipaglaban Mo after It’s Showtime ay sumailalim sa mapanuring mata ng ilan sa mga premyado at tinitingalang direktor ngayon.

Ilan lamang sa kanila sina Cong. Lino Cayetano, Eric Quizon, Ricky Rivero, Rechie del Carmen, Erik Salud, at Manny Palo na siyang nagdirek ng pilot episode.

Pinamagatang “Hindi Ko Sinasadya, Yaya”, tatalakayin ang karapatan ng mga bata at ang tamang edad kung kailan sila may pananagutan sa batas.

Tampok sa kwento ang isang pitong-taong-gulang na paslit na si RJ (Izzy Canillo) na aksidenteng nabaril at napatay ang kasambahay nilang si Yaya Miling (Shamaine Buencamino). Kasama rin dito sina Lara Quigaman, James Blanco at Dionne Monsanto.

( Photo credit to EAS )

Read more...