Daniel: Inaamin ko, kailangan ko pa pong galingan ang akting ko!


AMINADO ang Kapamilya heartthrob na si Daniel Padilla na marami pa siyang kailangang kaining bigas para mapatunayan sa buong mundo na isa siyang magaling na aktor.

Kaya nga nahihiya siya kapag tinatawag siyang Teen King, feeling kasi niya, wala pa siyang gaanong napatutunayan pagdating sa pagiging artista at performer.

Pero aniya, nakakatuwa na patuloy pa rin siyang sinusuportahan ng mga tao, pati na rin ang tambalan nila ni Kathryn Bernardo.
Puring-puri naman ni Daniel ang kanyang ka-loveteam na si Kathryn, bukod daw kasi sa nananatili itong humble sa kabila ng tinatamasang tagumpay, ay hindi pa rin ito nagbabago ng ugali pagdating sa pakikisalamuha sa kanilang mga supporters.

Sa interview ng ABS-CBN, sinabi ni DJ na marami pa silang kailangang patunayan para maging karapat-dapat sa mga titulong ikinakabit sa kanila ng publiko.

“Ako talagang kailangan kong galingan at pagtrabahuhan pa ang acting ko at mas mahalin pa ang trabaho ko,” sey ni DJ.
Mas pinagbubuti pa raw nila ni Kathryn ang kanilang akting sa bago nilang movie, ang “She’s Dating A Gangster” at sinisiguro nila ibang-iba naman ito sa mga nagawa na nilang pelikula.

“Ayaw ko kasi masayang ‘yung kagalingan ng mga katrabaho at ibang kasama ko, kaya kailangan more than 100 percent ang ibigay ko,” hirit pa ni DJ.

“Ako pinagdadasal ko lang na sana ‘yung movie maganda. Unang una direktor namin si Ms. Cathy (Garcia-Molina). Tapos si Kathryn pa ‘yung artista, eh si Kathryn naman, kahit may kailangan pang patunayan, eh magaling na talaga siyang artista,” sey pa ng binata.

( bandera.ph file photo )

Read more...