Coco: Gusto ko sa babae simple lang! | Bandera

Coco: Gusto ko sa babae simple lang!

- January 16, 2012 - 02:33 PM

Hindi talaga si Kris ang type dyowain

EVERYTIME na si Kris Aquino ang topic, mukhang iwas na iwas si Coco Martin. Parang ayaw niya talagang ma-link sa ating presidential sister, I don’t know why.

Yung ibang lalaki ay nagkakandarapang maging dyowa si Kris dahil masyado raw itong galante.

May nagbiro pa ngang isang guwapong lalaki na sana raw ay maging girlfriend niya si Kris para kumita naman siya.

Lugi raw kasi siya sa itinayo niyang negosyo kaya baka kay Kris ay makatsamba siya. Di kaya gamitin niya lang si Kris para sa mga connections na kakailanganin niya for his another business venture?

“In a way, malaking tulong pag syota mo si Kris. Siyempre, sa simula ‘di ka muna pahahalata. Pa-inlabin mo muna siya at pag kayo na, sumimple ka nang humirit.

Hindi na makakatanggi iyon. Lalo pa pag kasal na kayo. Wala na siyang lusot.


“And halimbawa ma’y hindi mag-work ang marriage n’yo, tulad nila ni James Yap, na ang laki ng nakuhang pera nu’ng maghiwalay sila, di ba?

Ayaw ni Kris ng iskandalo kaya makikipag-settle tiyak iyan. May pinangangalagaan kasi siyang name, di ba? Kaya masarap maging syota si Kris, goldmine iyan,” anang isang guwapong friend namin.

Pangit naman ng plano niya. Pero as of the moment, wala pa kaming naisip na lalaking seseryoso kay Kris.

E, kung si Kris nga, mamimili na raw siya ngayon ng lalaking mamahalin. Gusto raw niya, super bilyonaryo para ipagpatayo siya ng TV network.

Iyon ang malalang ilusyon dahil ang isang matinong lalaki na gusto ng tahimik na buhay, natural na hindi si Kris ang aasawahin, ‘no!

Pag si Kris ang inasawa nito, tiyak na para siyang kumuha ng batong ipupukpok sa ulo niya.

Natural na pati personal nilang pinaggagawa will become public dahil sa kadaldalan ni Kris. Para namang hindi n’yo siya kilala.

“Okay na sa akin si Kris. hindi man maganda pero maputi. Mahilig ako sa mala-labanos ang kutis. Hindi naman siya pangit, kahit paano’y attractive naman siya, di ba? Tsaka matalino at mayaman.

Sarap siguro niyang dyowain, ‘no! Mabibili mo lahat ng gusto mo pag siya ang asawa mo. Sa guwapo kong ito, malamang na mababaliw siya sa akin,” biro naman ng isa naming barkada. Hindi naman siya mayabang, nakikipagbiruan lang naman siya sa amin.

Ano ba iyan? Bakit ang pera ni Kris ang pinag-iinitan ninyo? Bakit hindi naman ninyo silipin ang kagandahan ng kalooban niya kung meron man. “Meron ba?” taray ng isang baklita.

Aba’y panay ang donate niya sa mga foundation ng kung anik-anik. Mga classrooms, cash. Dami niyang natutulungan, ‘no! Nakikita n’yo naman siguro sa mga publicity niya, na kesyo meron silang ipinapatayong school or what. Nagbibigay sila ng school supplies sa mga estudyante all over the Philippines at kung anu-ano pa.

“Hindi naman totally galing sa bulsa nila ang mga perang ipinambili nila ng mga supplies, ‘no! Galing iyon sa mga sponsors nilang mga Aquino at Cojuangco. Ikaw na ang magkaroon ng kapatid na presidente, sige nga?

Tsaka, iyon ay ipinangako nila sa mga tao nu’ng kampanya at dapat lang nilang tuparin dahil nanalo nga sila.

“Tsaka, yung foundation na sinasabing nagbibigay ng classrooms sa mga schools, di ba sa kapatid din niya iyon. Maraming pera pag nagtayo ka ng foundation, bah. Lalo pag nasa posisyon ka.

Subukan nga ng sponsor na hindi magbigay, tingnan natin. Kaya wala akong bilib sa pamilyang iyan,” mas mataray na sabi ng isang kausap namin.

Anyway, going back to Coco Martin na siya naman talagang topic natin, marami ang nanghihinayang dahil parang walang gusto si Coco kay Kris.

Aba’y teka lang naman, karapatan ni Coco na mamili ng kung sino ang gusto niyang mahalin, ‘no! Bakit ba gustung-gusto ninyong maging totoo ang hula ni Robert Das na maaanakan ni Coco si Kris?

Nakakatuwa itong si Coco. Nang mag-guest ito sa morning show ni Kris Aquino, tinanong siya kung ano ang tipo niyang babae at ang sagot naman ni Coco, gusto niya raw ay simpleng babae lang at hindi mahilig mag-make-up.

Nag-react agad si Kris na natural lang daw sa mga babae sa showbiz ang mag-make-up dahil kailangan nila ‘yun sa kanilang trabaho.

Yung sagot daw kasi ni Coco ay parang extreme opposite ng pagkatao ni Kris para wala na lang sigurong mahaba pang usapan. Meaning, hindi niya type si Kris.

Si Kris naman, pahapyaw na parang ipinipilit daw ang sarili, ayon sa nakausap ko. Hindi ko kasi napanood ang episode na iyon, eh. Ang sabi ni Coco ay ayaw nga niya sa babaeng mahilig mag-make-up, gusto nga niya ay simple lang.

In short, hindi nga si Kris Aquino iyon. Period, walang comma. OK?

“Ito naman kasing si Kris, kulang talaga sa pansin. Gusto niya palagi nakadikit ang pangalan niya sa mga sikat lang. Ayaw niya sa mga hindi gaanong kilala.

Even sa circle of friends niya, kailangang sikat maliban na lang siyempre sa isang bading na kasama niya palagi na feeling sikat lang kahit hindi naman.

Pero sina Vice Ganda, Anne Curtis, Liz Uy, basta ang trip niya, yung mga maiingay ang name.

Kaya gusto niyan si Coco Martin kasi sikat si Coco. Ganyan si Kris, marunong talagang mag-PR,” anang isang baklitang nagtataray na naman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Well…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending