Nag-explain si Vice Ganda kahapon kung bakit siya absent sa It’s Showtime nu’ng Huwebes. Naging emosyonal ang TV host habang nagpapaliwanag sa harap ng madlang pipol.
“Ito lang ha, linawin ko lang, kasi araw-araw sinasabi natin dapat masaya, dapat maingay, dapat tumatawa. Kahapon, na-realize ko walang masama kung paminsan-minsan ay umiyak.
Kasi yun ang realidad, hindi araw-araw ay tumatawa tayo,” ani Vice. “Kaya sorry po, sorry po hindi ako nakapasok kahapon dahil I chose not to laugh yesterday.
Kasi sabi ko, parang hindi totoo, hindi na ako normal. Palagi kong sinasabi sa opening ng It’s Showtime ‘tumawa tayong lahat, masaya tayong lahat’ eh hindi naman ganoon ang realidad. Isang araw, dapat pwede kang umiyak.
“It’s okay to cry once in a while kasi kapag di mo nailabas yung lungkot, nagiging galit at yung galit, nagiging muhi. Yung kalungkutan, nagiging kasalanan.
Pero ngayon, may dahilan para maging masaya, at from kalungkutan, naging masaya ka. Doon nagiging fulfilling ang buhay,” ani Vice na kaka-break lang sa kanyang boyfriend.
( bandera.ph file photo )