Nag-trending topic ang #BiggestLiesGMA sa World Wide Trends just because of the “bad direction?” thing na nakasama sa isang report ng GMA News TV tungkol sa rumored “joint” session ng dalawang members ng boy band na One Direction.
Fans of One Direction ganged up on GMA 7, as if naman it reported a wrong story about their idol. Nakakatawa ang contention ng mga stupid fans ng One Direction, kung anu-anong pinagsasabi nila.
Kesyo marunong mag-charity ang idol nila. One fan even rattled off the charity works na ginawa ng grupo, “Louis dyed his hair for charity. Zayn donated 100k & Yolanda Victims.
Niall raised 300k for charity & Yolanda Victims,” naka-post sa isang Facebook fan page. Ang pakiusap ng isang fan, huwag siraan ang One Direction.
You can tell it to the marines. At bakit naman sisiraan ng GMA News ang One Direction? What will they get in return? Bakit kayo magagalit sa GMA, eh, ang daming naglabasan sa mga websites about the “marijuana thing” diumano na ginawa ng dalawang miyembro ng boy band na ito?
It doesn’t make sense na siraan ang One Direction dahil wala naman silang mapapala sa bandang ‘yan, no! Marami namang defenders ang GMA sa social media. One opined that “I think it was just taken out of context.
The teaser said ‘BAD DIRECTION?’ — it’s a question, and they’re not explicitly stating that One Direction is bad.” ‘Yung isa naman is asking kung bakit sini-single out ang GMA, “BKit biggest LIE ang GMa nireport lang nman nila na nagchochongke ang 2 members ng one direction! Grabe maka react ibang faney! OA lang!” one guy commented.
“Ah yun pala yun? Bakit sa GMA lang nagalit dahil sa Bad Direction na tag? Magbasa nga kayo ng mga reactions worldwide, yung ibang fans pinunit yung concert tickets, even the parents are angry,” chika naman ng isang fan.
“Have you seen the news article or video? Or nakita mo lang sa twitter at naniwala ka kaagad at pumatol? Or nakita mo lang yung title ng news article na Bad Direction? If GMA specifically (or the reporter) said na bad direction then by all means magalit tayo (including myself coz i am a 1d fan din).
“But I really doubt that GMA will report that they are bad. Giving to charity is not the point here. The point is being a role model to their millions of fans, which by the way are teens,” say naman ng isa which made sense to us.
Oo nga naman. Naku, itong fans ng One Direction mga HUNGHANG!
( Photo credit to one direction official fanpage )