Daniel mag-iipon uli para sa Dream House nila ni Kathryn

MAGSISIMULA uling mag-ipon ang Teen King na si Daniel Padilla para naman sa sarili niyang mansion. Ito’y matapos ngang makabili ng bonggang-bonggang house and lot ang Kapamilya heartthrob para sa kanyang inang si Karla Estrada.

Ayon kay DJ, ngayong naibigay na niya sa kanyang nanay ang matagal na nitong pangarap na sariling bahay at lupa ay ang kanyang dream house naman ang pagsisikapan niyang ipatayo in the near future para sa magiging pamilya niya.

At siyempre, umaasa na ang kanyang family, mga kaibigan at  mga fans na si Kathryn Bernardo na ang makakasama niya sa ipapatayo niyang dream house.

In fairness, sa murang edad ay masasabing super accomplished na si Daniel dahil sa maikling panahon nga ng kanyang pagtatrabaho bilang aktor at singer ay nakapagpundar na siya ng sarili nilang ari-arian.

Siyempre, sa tulong na rin ‘yan ni Karla na napakagaling humawak ng pera ng kanyang anak. Nu’ng isang gabi nga ay pina-bless na ng pamilya ni Daniel ang kanilang 8-bedroom mansion na bawat sulok yata ay may mamahaling chandelier.

Anong binatbat ng mga five-star hotel sa mga biniling chandelier ni Karla, di ba? Ha-hahahaha! Nakita namin ang ilang bahagi ng nasabing bahay sa TV Patrol at isa lang ang masasabi namin – napakaswerteng ina ni Karla dahil talagang inuna ni Daniel ang maibigay sa kanya ang matagal nang pangarap na sariling bahay – at sobra-sobra pa raw ‘yun sa inaasahan niya.

Pero ang tanong, totoo kayang tumataginting na P40 million ang ginastos ni DJ para sa nasabing mansion? Ang tugon ni Karla, “Ha-hahaha! Hindi naman ganu’n kalaki! Grabe naman! Parang sa Forbes Park na ‘yun, ha!”

( bandera.ph file photo )

Read more...