Pauleen, Pia magkaaway dahil kay Bossing?

Back to work na si Pauleen Luna last Saturday sa Eat Bulaga.

Though hindi pa talaga totally magaling ang tinamo niyang mga sugat sa mukha, lalo sa kanyang labi na kinailangan pang ipatahi,masigla nang umapir ang aktres sa noontime show ng GMA.

Inoperahan at tinahi ang bibig ni Poleng matapos maaksidente sa bike during the holiday season.

Pero aniya, okay na uli siya pero hindi pa niya masyadong naigagalaw nang bonggang-bongga ang kanyang bibig.

Kasabay nito, nilinaw din ni Pauleen ang isyu na magkagalit daw sila ni Pia Guanio ngayon dahil sa issue sa kanila ni Vic Sotto. Say ng TV host-actress, okay na okay sila ni Pia at walang tensiyon sa pagitan nila.

READ NEXT
Agaw-ngawngaw
Read more...